New Life? (12-20-14)
Shar POV
Isang buwan na rin ang lumipas ng bumalik kami sa pag-aaral pagkatapos ng christmas break. Marami na ring nanyari sa isang buwan na iyon. Naging abala ako sa pag-aaral ko at sa pagiging volleyball player. Scholar pa rin ako at paminsan minsan na lang akong tumutulong sa school library at sa pagiging student assistant. Sa araw araw na lumipas sa buhay ko ay unti unti ko pa rin kinakalimutan ang sakit ng nakaraan. Pero sa tuwing makikita ko silang magkasama eh biglang kikirot ang OA kong puso at magdidikta ulit ang striktang utak ko ng ganito," uie puso arte mo wag kang mag-emote kasi kapatid lang kayo?"
Kasi naman akala ko sa dalawang linggong pamamalagi ko sa mansyon ni Senora Kath ay malilimutan ko ang lahat lahat pero mahirap pala kung buong puso mo ay ibinigay mo sa taong mahal mo. Kaya kayo magtira din ng konti para hindi naman lubusang wasak ang puso nyo at least may tibok pa rin ito kasi may piraso pang natitira unlike sa akin na sobrang wasak at hirap na atang buuin pa.
" uie! Heto, may irereto ako sayo girl" sabi ng makulit na si Pia. Di naman lingid sa akin ang kalokohang gustong gawin ng mga kaibigan ko. Isang buwan na nila ako hinahanapan ng kadate pero puro big NO ang sagot ko sa kanila. Pinabasa pa nila ang librong MOVE ON DIN PAG MAY TIME, sounds funny pero may punto din ang steps kung paano mag-move on. Pero aminin ko man eh mahirap iyon gawin.
" oh sino na naman iyan? Wag mong sabihin isang bookworm guy naman yang kadate ko" angal ko dito.
" eh kasi Pia bakit ang papanget ng mga nirereto mo ha? Aist ako na lang maghahanap girl para sayo. Yung gwapo, yung hot at tsaka yummy" Sabi ni Lexa na nakangiti. Bigla naman syang niyakap ng boyfriend nya. Sige sila na ang sweet couple.
" sinong yummy My Sungit?" Tanong ni Nash dito sabay halik nito sa cheeks.
" yummy itong burger!" Palusot ni Lexa at binaling ang interes sa burger na hawak.
" Ayieee... nahiya pang umamin dinig ko gwapo, hot and yummy. Eh sino pa ba eh di ako!" Yabang na tugon ni Nash. Napangiwi ng labi si Lexa dahil sa kayabangan ni Nash.Buti mahal nya ito kaya sinabi nyang, " ou naman your yummy!"
" ewwwww... tigil tigilan nyo ngang dalawa ang kachessy nyo! Aist!" Pagkontra ni Mika sa sweet couple. Nabigla naman ang chubbylicious couple natin na sina Pia at Kobe sa sigaw ni Mika, yes they are officially Mag-on , na busy busy din sa sweet na pagsusubuan ng foods sa isa't isa.
" uie makasigaw ka dyan Mika. Bitter ka lang kasi nag-away na naman kayo ni Paul" sambit ni Pia kay Mika. Mika gives her a death glare. " chill init agad ng ulo."
" pwede ba wag kayong sweet sa isat isa kasi kawawa naman si bes dito. Di ba kayo nahiya na araw araw kayong nakikita ni Shar na naglalandi" napalaki naman ang aking mata sa sinabi ni Mika. Haha eh ako pa kasi ang ginawang dahilan sa bitterness nya at tsaka walang effect sa akin ang kasweetan nila kasi di naman ako bitter.
" uie babae wag mo akong gawin dahilan mo ha kung bitter ka sa sweet moments ng couple friend natin. Kahit wala akong partner eh masaya naman akong makitang masaya ang mga friends ko" nagpalakpakan naman ang mga baliw kong kaibigan sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Spell (JAILENE)
FanfictionLove is a full of mysteries. Love is unpredictable. It can be a drug that you can never easily leave if you used to it. You can be addicted to its magic until you will never know how to break it. To break an UNBREAKABLE SPELL called LOVE. READ pleas...