spell 4: Ang Paglilitis

606 35 20
                                    

Ang Paglilitis

        Si Shar ay nagising sa mabangong amoy na nanggaling sa kusina ng apartment nila. Tumayo sya mula sa pagkakahiga at nakita mula sa maliit na dirty kitchen nila ang naglulutong mga kaibigan. Napapangiti na lamang sya na masilayan ang tatlong kaibigan.  Ang POWERPUFF girls na hindi nawala sa kanyang tabi sa kabila ng lahat ng pinag-daanan nya.

" goodmorning girls? Ano ang niluluto nyo." Bati nya dito. Ngumiti naman ang tatlo ng makitang gising na pala si Shar.

" hep, maghilamos ka muna dahil sopresa itong niluto namin.special breakfast for you" sagot ni Pia. Tinulak tulak naman ni Pia si Shar papasok sa CR. "Tsaka maligo ka na mabaho ka na girl"

Natawa na lang si Shar at pumasok sa CR nila. As she look herself at the mirror, she remembered everything happen last night.

" sana maging okay na lahat sa mga Aquino. Sana okay na rin sina Jai at Ella. Im sorry Jai."

Naligo na sya at nagbihis na rin. Napahinto muli sya sa mirror at naisip ang possibleng mangyari ngayong araw.

" Shar, kaya mo ito. Whatever happen in the displinary court trial ay tatanggapin mo ng buo. Lalabas din ang katotohanan. Kaya mo ito. Aja!"

        Lumabas na si Shar sa CR. Masaya naman syang binati ng tatlong kaibigan. Naguguluhan man sya sa kinikilos ng tatlo eh hinahayaan na lang nya ito dahil alam nyang pinipilit lang nila na pasayahin sya.

" girl your breakfast is ready! Tarah rahh...enjoy" binuksan ni Mika ang kawali na may lutong adobo. Natakam naman si Shar sa adobo. Adobo kasi ang paborito nyang filipino food.

" wow! Thank you. Talaga bang kayo ang nagluto nito?" Asar na tugon ni Shar sa tatlo. Batid kasi nyang hindi marunong magluto ang tatlo. Tumango lang sila at sinimulan na ni Shar ang pagtikim.

Excited naman ang tatlo sa reaksyon ni Shar sa niluto. Napasimangot sila ng makitang parang di nagustuha ni Shar ang kanilang niluto.Tumawa ng malakas si Shar. Gulat naman ang tatlo sa pagtawa nito.

" haha.. uie girls. Anong nangyari sa face nyo? Ano ba kayo masarap kaya ang luto nyo medyo kulang lang sa toyo pero sakto na ang lasa sige kain na tayo" magiliw na sabi ni Shar. Nagsikain na nga sila. Nagtatawanan pa. Tila ba wala silang kakaharapin na problema sa araw na iyon.

**********

        Pumasok na sina Shar sa school. Konti na rin ang mga estudyante dahil sa nagsimula na ang summer break pero pagdating nila sa Main hall ay bumungad ang maraming estudyanteng gusto makichismis sa gaganaping Disciplinary court trial sa disciplinary room sa may Guidance.

        Kinakabahan man si Shar sa mangyayaring paglilitis eh nagiging matatag sya dahil nakikita nya ang supporta ng kaibigan. Napapangiti sya dahil andoon din sina Paul at Kobi ngunit ang inaasahang si Francis ay wala doon. Mas lalo syang nalungkot ng di nya mahagilap sa paligid ang presensya ni Jairus.

" tanga ka ba Shar! Hindi pupunta si Jai para sayo. Tandaan mo may ginawa ka pa sa kanya na naging dahilan na mapahamak ang pangalan ng Aquino."

The Unbreakable Spell (JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon