spell4: The Truth

567 40 20
                                    

"opo"  sagot ni Shar. Maraming bulung bulungan dahil sa sagot nya.

" Ms. San Pedro! uulitin ko. may possibilidad ka bang magpuslit ng exam papers sa opisina ng mga propesor." tanong ulit ni Ms. Kasimsiman.  Hindi kumibo si Shar sa pangalawang tanong ng propesor. Tumingin sya sa paligid. Nakikita nya kung paano sya hinuhusgasan ng mga tao. Sa simpleng salitang OPO eh marami na silang point of view na iniisip. Napangiti na lang si Shar sa nakikita kahit medyo kumikirot na ang puso nya.

"Ms. San Pedro, uulitin ko ang tanong kung hindi ka magsasalita ibig sabihin na inaamin mong ikaw ang pupuslit ng exam papers. Ms. San Pedro May possibilidad ka abng pumuslit ng exam papers?" mariing tugon ni Ms. Kasimsiman. Hindi rin sya kasi kumbinsido na magagawa ni Sharlene ang pinagbibintang sa kanya.

Tahimik lang si Sharlene muli. She traces every corner of the room. She hears all the speculation from her co-student. She sees the worry in the eyes of her friends. Napahinto ang kanyang paningin sa may pintuan ng court room. Doon na sya nakaramdam na para syang iiyak. She sees a guy standing there looking at her. Tumulo ang luha nya. Bigla naman nya iyon pinunasan. Ang sakit makita sa mata ni Jairus ang paghuhusga. Hindi man sigurado si Shar sa nararamdaman ni Jai sa panahon na iyon pero she see pain in Jairus eyes. Pain dahil baka sinira ni Shar ang relasyon nya with Ella or maybe pain na nasangkot ang pamilya ng Aquino sa malaking issue.

"Opo!"panimulang salita ni Shar. " May possibilidad po akong magpuslit ng exam paper at gamitin ito para makapasa sa exam para maging dean's lister at mapanatili ang pagiging scholar ko." dagdag ni Shar. Marami na namang nagbubulungan na mga estudyante. Ang iba galit na galit. Ang iba nagconclude na totoo nga siya ang may gawa ng leakage. Ang iba hindi makapaniwala lalo na ang mga kaibigan ni Shar. Napaiyak na sina Lexa at Pia haabng kinocomfort sila nina nash at Kobi. Galit naman ang makikita sa mukha ni Mika. Di nya kasi makayang ganun ang sasabihin ni Shar. Mika said to herself "Shar, ano ba? bakit pinapahirapan mo ang sarili mo?

Si Francis naman ay gigil na gigil ng magsalita sa kanyang nalalaman. Yes, nalaman na nila ng lahat . Kung sino ang taong sumabutahe kay Shar. Napatingin si Francis sa lugar kung saan nakaupo ang grupo nina Rain. Nakikita nya dito na nag-eenjoy sila sa kanilang pinapanood. " Damn you Rain. Tumawa ka lang sa ngayon"

Samantala si Jairus naman ay seryosong nakatitig sa matapang na aura ni Shar. Napapangiti sya kung paano lumaban ang isang Sharlene San Pedro. Masaya syang nagiging palaban ito at alam nyang may rason si Shar bakit ganun ang sagot nya sa tanong ni Ms, kasimsiman.

Si Ella naman ay hindi mapakali sa kinauupuan nya. Alam nya kasi ang katotohanan. Alam nyang mali ang ginawang plano nina Rain. Nagsisisi sya na sana di sya nakinig kay Rain. hindi naman nya naisip na hahantong lahat sa malaking issue at masasangkot pa ang pamilya nya at ang mga Aquino. 

" Ms. San Pedro? Ibig sabihin inaamin mo na sangkot ka sa krimen ito.?" tanong ni Ms. Kasimsiman.

" Sa tingin ng lahat ng tao sa unibersidad eh may kasalanan ako. Tama nga naman na lahat ng ibensya ay tumutukoy sa akin. Kung aaminin ko ba sa inyo ngayon na ako ang salarin ay matitigil na ba ang paghuhusga ninyo? or Kung sasabihin kong hindi ako ang nagbigay ng leakage, eh maniniwala ba kayo sa akin? Ang isip ng tao ay nababalot ng isang konsepto lamang. Halimbawa, ayon sa kasaysayan ang pumatay kay Magellan ay si Lapu lapu, ang tao ay maniniwala sa balitang iyon dahil may ibedensya sila dahil totoong nakipaglaban si magellan kay Lapu lapu pero ang tanong eh alam ba ng mga tao ang totoong nangyari sa labanan? Nandoon ba sila sa labanan para masabi si Lapu-lapu talaga ang pumatay kay Magellan?"seryosong panayam ni Shar. Natigil ang mga bulung bulungan. Napaisip ang lahat sa sinabi ni Shar.

The Unbreakable Spell (JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon