#Author's Note
Guys, I just want to inform you for this next few chapter. Malapit na po tayong magtapos and I hope supportahan nyo pa po til the end. And again kahit ilang beses akong magpapasalaamt sa inyo,I just want to give my gazillion THANK YOU to all of you! Saranghae!
Just keep reading. The revelation about each character's life will be reveal soon. Enjoy!
______________________________________________________________________
Summer Revelation (1-18-15)
Nagsimula na nga ang summer vacation pero di naging masaya ang panimula nito dahil sa nangyaring court trial sa university. Naipalabas na rin ang mga parusa sa mga may sangkot sa leakage. Sina Rain at Ms. De Leon ay napatawanan ng kick out sa school. Ang ibang sangkot naman na sina Noime, Andie , Ms De Castro at kabilang na rin si Ella ay napatawan ng all summer university punishment. Sa buong bakasyon ay nasa school community service sila na gaganapin sa masukal na gubat ng Cordillera for one month.
Ang barkada naman ay wala maisip na gawin sa bakasyon. Masaya sila dahil abswelto si Shar sa kaso ngunit malungkot sila sa nangyayari sa kaibigan nila hindi lang kay Shar kundi kay Jai.
Ilang araw din na hindi nakikita nina Nash si Jai. Kahit sa interschool summer competition ng basketball ay hindi ito sumali. Wala naman nabanggit si Jai kung saan sya pumuntaor kung ano ang ginagawa nya. Ang tanging sagot lang ni Jai sa tuwing tatawag si Nash ay may importante itong ginagawa.
Si Shar naman buong summer na abala sa summer job nya. Pinipilit sya nina Mika minsan na lumabas ngunit ayaw naman ito. Malungkot ang mga girls sa pagbabago ng kaibigan. Nawala kasi yung kilala nilang Shar dati. Hindi na ito palangiti at makulit. Naging seryoso ito at alooft sa kanila kahit si Francis ay hindi mapigilan ang sarili na mainis dahil parang lahat ata pati silang kaibigan nya ay iniiwasan ni Shar. Some conversation lang nila ni Shar is like this.
"Im fine kiks."
" no need to do this"
"Please wag muna ngayon"
" next time!"
Masakit man isipin na parang lumalayo ang loob ng babaeng gusto nya sa kanya ay araw araw pa rin nya itong sinusuyo. Walang palya syang nangungulit kay Shar.
Hindi na rin bumibisita si Shar sa mansyon ng Aquino kahit humingi na ng paumanhin si Mr. Aquino sa kanya. Si Julia na lang ang pumupunta sa apartment nito minsan. Napapansin din nya ang unti unting pagbabago ng anak. Kahit medyo makulit at sweet pa rin ito sa kanya eh alam nyang may nagbago dito.
Isang araw sa mansyon ng Aquino ay bumisita si Jairus doon. Nasa garden si Julia at nagdidilig ng halaman. Napansin ni Julia na panay pabalik balik ang anak sa may garden. Tila ba gusto sya nitong kausapin. Tinawag naman nya si Jai. Sa una nagkailangan pa sila pero sa kalaunan naging komportable na si Jai sa pakikiusap sa ina. Napapangiti naman si Julia dahil medyo naging malapit na ang anak sa kanya. Pero may ikinagulat sya sa mga oras na iyon ng tanungin nya ang patungkol kay Shar at sa ama nito.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Spell (JAILENE)
FanfictionLove is a full of mysteries. Love is unpredictable. It can be a drug that you can never easily leave if you used to it. You can be addicted to its magic until you will never know how to break it. To break an UNBREAKABLE SPELL called LOVE. READ pleas...