SPELL 2:16

1.2K 66 46
                                    

*MR. AND MS. KINGDOM HIGH 2014*

        Friday. Ang araw na pinakahihintay ni Sharlene. Ang araw na sasabak sya sa paligsahan ng pagandahan.

        Lahat ng student ay abalang abala sa araw na ito. Maraming events ang naganap. Nangunguna sa sport ang Business Admin course. Sa mga academic contest naman ay ang Political Science course. Sa booths and activity ay bentang benta ang entertainment area ng Music students while nakakaaliw ang mini show ng mga MasCom student. Di naman papahuli sa masasarap na putaheng benibenta ng mga HRM student. Sa larangan ng arts, media at photography ay busy naman sa pagset ng stage for the BIG NIGHT.

        Sa kabilang banda, naghahanda na si Shar sa BIG NIGHT. Nandyan naman sa tabi nya ang ever supportive na mga kaibigan nya.  Kabadong kabado naman s'ya habang iniensayo ang kanyang ipapakita sa talent portion. 

        " Hello Shar!" BAti ng manyakis na si Gilbert. 

        Tumaas naman ang kilay ni mika dahil hindi pa nya nalilimutan ang ginawang masama ng Gilbert na to kay Shar. Buti nga sa kanya na pinaterminate sa pagiging contestant pero nagtataka sila bakit andito s'ya ngayon.

" uie lalaki. Lumayo layo ka sa amin at baka makatikim ka ng flying kick mula sa akin. Layuan mo si Shar. Ang kapal din ng mukha mo para magpakita dito." pagsusungit ni Mika habang si Shar ay tahimik lang na nakatingin sa kay Gilbert.

" whoo..relax lang. Andito ako just to say sorry for what I did to you Shar" pagpapaumanhin ni Gilbert. " Sorry!" at umalis na ito sa dressing room nila Shar.

" Nagsorry pala beh. OK na yun. "

" anong ok na yun! parang hindi sincere ang sorry nya beh! Kainis. Kapal."

" ano ka ba! Don't mind him. dapat focus tayo sa contest mamaya". Mika nods on what Shar said to her. Nag-ayos na sila ng mga gamit. Kinuha naman ni Shar ang kanyang bag. Pagkabukas nya, may nakita syang isang black envelope again?

" beh! my gosh may letter ka na naman from Monster Prince. Dali! Open it." excited na tugon ni Mika. Shar opens the envelope. She smiles while reading the message inside the envelope. Napayakap tuloy sya sarili pagkatapos mabasa ang nilalaman ng sulat.

" hey! anong sinabi ha?"

" wahahahaha...malalaman ko na mamaya sino si Monster Prince beh!" sigaw ni Shar. Hinampas hampas naman nya si Mika. Kinikilig naman si  Mika sa sinabi ni Shar.

***********************************

        The night is coming. Unti-unting napupuno ng tao ang gymnasium ng school. Maraming mga tao ang may bitbit ng mga banners para sa sinusupportahang contestant nila. Nakaupo na sina Lexa at Pia sa may harapan ng stage para kita nila ang  sinusoportahang kaibigan. Dumating naman sina Kobi, nash at Kiko at umupo sa likuran nina Pia.

The Unbreakable Spell (JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon