10 Ways to Marry an Angel \\Prologue 1//

5.9K 63 10
                                    

IF AFTERLIFE IS NEVER AN OPTION...

Ano nga bang mangyayari kung ganun?

Madalas, sa bawat storya, kung mamamatay man ang leading man o yung leading lady, sasabihin nung maiiwang character, "Magkikita rin tayo sa kabilang buhay, at doon, magsasama tayo habangbuhay. Di tayo magkakahiwalay."

Pero pano kung walang kabilang buhay? Pano kung walang afterlife?

Pano kung 'ang ngayon' lang ang meron ka?

Ginagawang excuse ng maraming character ang kabilang buhay. Meron naman daw afterlife kaya kahit di maging successful ang love story nila sa mundong ibabaw, eh ok lang. Eh pano kung hindi?

Pano kung di mo pwedeng sabihin ang mga katagang "See you in Heaven. Doon na lang natin ipagpatuloy ang naudlot nating love story."

Now is all you've got.

Wala kang choice kundi tapusin ang storya ng buhay mo habang nabubuhay at humuhinga ka pa. Walang Langit. Walang afterlife.

Dahil kahit piliin nyo mang ipagpatuloy ang pagmamahalan nyo sa kabilang buhay, di rin kayo magtatagumpay dahil di katanggap-tanggap sa Langit ang pag-iibigan nyo.

Pano kung ang kabayaran ng pagpapatuloy ng love story nyo sa Langit ay higit pa sa kamatayan? Pipiliin mo pa bang ipagpatuloy yun sa afterlife? Kung ang ngayon lang ang meron ka... pano na lahat ng pag-ibig at sakripisyong ibinuhos nyo?

WHAT IF AFTERLIFE IS NEVER AN OPTION?

10 Ways to Marry an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon