Part3: Entry # 3

1K 15 2
                                    

Part3: Entry # 3

[Mikhail Domingo’s Entry]

“Oh shit!”

Ano ba naman tong garden nila Al? Mala-Romeo and Juliet ata ang tema. Puro damo, bushes, vines, pati ata POISON IVY meron dito eh. Nangangati na tuloy ako. ARAY! Fvck that plant! Sagabal! Agaw eksena! Epal! Hindi pa naman ako magaling sa akyatan na ganito. Hello? Wala po akong lahing unggoy. Damn it! Puro na gasgas yung balat ko. =________=

Let me explain kung nasaan ako ngayon at kung anong katarantaduhan na naman ang ginagawa ko. Nakonsensya kasi ako sa sinabi ni Solil tungkol sa pagiging duwag. Na-realize kong tama nga sya. If I really love Al, I should lower my pride and ask for forgiveness, after all ako naman talaga ang dapat sisihin.

So ngayon ay nandito ko sa bakuran nila Al. Nag-aala-akyat bahay! Nakakahiya kasing kumatok sa bahay nila. Mamaya mo ipagtabuyan nya lang ako. Then an idea struck me! Sa balcony ako dadaan. Mag-aala-Romeo ako, yes. Eh walang choice eh! Alam kong kadugtong ng kwarto ni Al yung balcony. Kapag sa balcony ako mismo dumaan, wala na syang choice kundi kausapin ako. Good idea, isn’t it? Syempre naman! Ako pa! =D

ARAAAAAAAAAAAY! DARN.

Tumusok sa tagiliran ko yung tinik ng kung anu mang specie ng halaman na gumagapang sa wall na inaakyat ko.

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!

Bigla na lang may dumapo sa ilong ko na kung ano mang living organism na mukhang namamahay pa ata sa gilid ng mga plants. SO EW! Ok. Nakakabakla na toh ah. -________-

Ayoko na. Ayoko na pramis! Nakakainis na eh! Ikaw kaya nasa pusisyon ko ngayon! Tingnan ko lang kung matutuwa ka sa kalagayan na ganto.

KAMBING LANG ANG PEG KO! Kung anu-ano ng uri ng halaman, damo, dahon, ugat at bulaklak ang nakakain ko!

KAMUSTA RIN NAMAN ANG PALAKA ROLE KO DITO?! Eh kanina pa po kaya ako nakakalulon ng kulisap, gamu-gamo, surot, langaw at lamok!

AYOKO NA SERYOSO! Puro na rin ako galos at gasgas. Wapak na wapak naman kasi yung halam nila Al eh. Puro matinik! Alam kaya nilang dadating ako kaya nag-ready sila? Nagtanim talaga ng makakatusok para sakin? =________=

Bababa na sana ko nang biglang narinig ko ang pag-usad pasara ng sliding door.

EWAN! Nadatnan ko na lang yung sarili kong agad agad na umaakyat sa balcony. Dahil balak na nyang isara yung sliding door, inipit ko yung paa ko para hindi sumara ng tuluyan.

!!—BOOGSH--!!

“Ay tinapa!”

Oh shoot! Di ko na maramdaman yung paa ko. Di kaya naputol na sya? OH GOD! Sa lahat ba naman kasi ng pampigil bakit paa pa? >_________<

10 Ways to Marry an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon