Part3: Entry # 10

1K 20 3
                                    

DEDICATED KAY ATE DAHIL NAKAKA-OVERWHELM YUNG COMMENT NYA SA LAST UD (tissue please, nakaka-nosebleed yung word na overwhelm xD)

So guys, last part na toh HEP! WEYT! pero meron pa kasing Epilogue eh! Mukha bang bitin? HAHA! malalaman nyo na lang sa Epilogue (MWAHAHA!) na baka ma-post ko ng mas maaga. Kung pwede baka bukas may epilogue na agad-agad. Anyway, salamat sa lahat ng nagbasa mula umpisa hanggang huli. 

Rock on,

~author na kalahi ni Sisa

Part3: Entry # 10 (Last Part)

[Liriel’s Entry]

Yung feeling ko nung last day nakasama ko si Solil? Sinasabi lahat ng kantang Huling Araw ----------------->

“Welcome back, Liriel. Finally, after such a long journey, our efforts pay off.”

Agad akong dumeretso kay Nero pagkabalik ko sa Langit.

“Congratulations Liriel. You made it. Nagtagumpay ka. I’m sorry I doubted you. Akala ko talaga nung una, mas pipiliin mong manatili sa lupa para sa babaeng yun. I’m glad you did the right thing,” sabi nya sakin. Mukhang Masaya sya sa pagbabalik ko. Masaya syang nasa Langit na ulit ako. In other words, masaya syang nagkahiwalay kami ni Solil.

“Salamat. I doubted myself too.” I try my best to smile but I fail. Tumulo na lang bigla ang luha ko. I’m in deep sorrow. I hate what’s happening. Hindi sa ayaw kong makabalik sa Langit, gusto ko. Ang ayaw ko ay ang mahiwalay kay Solil. Ganun ko na sya kamahal.

“You don’t seem happy.” Uminom si Nero mula sa goblet.

“Gusto ko ulit syang makita.”

“Alam ko.”

“Mahal ko sya. Sobra.”

“Lahat ng sobra masama.” Lumingon sya sakin.

“Kaya siguro nagkakaganto ko ngayon.” Yumuko na lang ako. Wala akong mukhang ihaharap sa kanya ngayon, sa kanila. Nagkasala ako. Mabigat na kasalanan. Sa sobrang bigat wala na dapat ako sa Langit ngayon. “May tanong ako.”

“Ano yun?”

“Bakit tinanggap nyo pa rin ako dito? Kung tutuusin dapat nasa impyerno na ko ngayon. Nilabag ko ang batas ng mga anghel. Umibig ako sa mortal.”

Umiling sya. “Nandito ka pa rin dahil kahit nagkasala ka man, mas pinili mo pa ring gumawa ng kabutihan. Iniligtas mo si Alanni kaya’t nandito ka ngayon. Isa yung kabutihan.”

Ako naman ang umiling. “Ginawa ko lang yun dahil sinabi ni Solil. Ginawa ko lang yun dahil simula pa lang sa umpisa, iyon naman na talaga ang obligasyon ko.”

10 Ways to Marry an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon