Part2: Entry # 10

1K 22 2
                                    

Part2: Entry # 10

[Solil Ventura’s Entry]

Hinila ako ni Liriel. Naglalakad na kami ngayong dalawa pauwi ng bahay. Hawak nya ko sa pulso. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Walang kumikibo. Ayokong magsalita. Ayokong ako ang magsimula ng conversation. Halu-halo ang nararamdaman ko ngayon. Takot, gulat, pagkabalisa, inis, lungkot, kaguluhan at ang pinakakaka-ibang nararamdaman ko ngayon ay saya.

Weird. Masaya ako pagkatapos ng nangyari. Siguro dahil natuklasan ko nang hindi karapat dapat si Alex para sa akin. Parang naging malaya ako. Akala ko kasi noon, mahal ko na sya. Hindi pala. Freedom kumbaga.

Siguro dahil din iniligtas ako ni Liriel. Ibig sabihin concern din naman pala sya kahit papaano. Baka naman naawa lang kaya ako iniligtas? Kung ano man ang dahilan nya, may nararamdaman akong saya na hawak nya ko ngayon. Pakiramdam ko walang pwedeng manakit sakin. Dahil nandyan sya.

“My Heaven,” biglang nagsalita si Liriel.

“Hmm?”

“Alam kong naguguluhan ka. Sorry.”

Umiling ako. “Bakit ka nagso-sorry? Hindi ka dapat mag-sorry. Wala kang kasalanan kung bakit muntik na kong masaktan ni Alex. Wala kang kinalaman sa pagka-confuse ko ngayon. Thankful pa nga ako sayo eh. Salamat Liriel.”

Huminto sya sa paglalakad kaya huminto rin ako.

“Solil, ako lahat ang may kasalanan. Hindi ko man pwedeng sabihin lahat sayo pero alam kong dapat mong malaman ang lahat ng katotohanan.”

“Liriel –” Hinawakan nya ko sa magkabilang braso. Bigla akong nakaramdam ng security.

“Bayaan mo kong magpaliwanang.” I nod and he continues. “Umpisahan natin sa basics. Umpisahan natin sa dahilan ng lahat ng gulo.” Huminga syang malalim. “I am an Angel.

Hindi kaagad ako nakapagsalita. Nakatayo lang ako sa harapan nya. “You – you’re a what?” I ask in disbelief. Magkasalubong ang kilay ko sa sobrang pagtataka.

“I am an Angel. Anghel ako. Particularly a Protector. Kami yung mga uri ng anghel na ipinabababa sa lupa upang magligtas ng taong malapit ng mamatay sa hindi tamang panahon.”

Alam ko kung ano ang isang Protector. Nabasa ko na ang tungkol dun sa black book.

Nagpatuloy si Liriel. “Remember the first time you saw me? Sa isang bakanteng lote?” I nod. “Iyon ang araw na pinababa ako sa lupa. Umuulan. Bumaba ako kasabay ng ulan. Totoong may bumababang anghel kapag umuulan, ganun din naman kapag babalik na sila sa langit, uulan.”

Hindi ako nagsasalita. It takes a lot of effort to process every word he is saying. Para pa namang blocked ngayon ang utak ko kaya mas nahihirapan ako.

“Mayroon akong babaeng dapat iligtas. Malapit na syang mamatay. Sa isang buwan mamamatay na sya. Kailangan ko syang iligtas.”

10 Ways to Marry an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon