Part1: Entry # 1

1.9K 40 10
                                    

DEDICATED TO BUBBLYWATER DAHIL SA VOTE, COMMENT, AT DAHIL BINASA MO. SALAMAT NG MARAMI =)

WATCH NYO PO YUNG TRAILER SA GILID. VOTE AND COMMENT NAMAN PO KAYO . PURO SILENT READERS EH =)

★.★.★.★.★.★.★.★.★.★.★

Part1: Entry # 1

[Solil Ventura]

Sabi nila ang ulan daw ay biyaya mula sa langit. Ang ulan ay ang pagpapakita ng Langit ng emosyon. Umiiyak sya. Biyaya ang ulan. Di yan hinihingi, kusa yang binibigay ng Langit. Ibinubuhos para sa tao.

Pero kadalasan, itinuturing na sakuna ang pag-ulan. Kinatatakutan ng mga mortal. Kinaiinisan. Dahil ang sobrang pag-iyak ng Langit ay nangangahulugang delubyo. Lulubog sila sa luha. Aanurin. Minsan, kamatayan pa nga ang hatid ng ulan, kaya hindi mo masisisi ang mga mortal kung kinamumuhian nila ang ulan.

Pero iba ako. Gustung-gusto ko ang ulan. Yung malamig na hangin. Yung bawat patak. Lahat ng tungkol sa ulan gusto ko. Marami kasing pwedeng ikubli ang ulan.

Ang sabi pa sakin, ang ulan daw ay regalo. Dahil sa pagbuhos daw ng ulan, kasabay nun ang pagbaba ng isang anghel mula sa langit. Bababa sya sa mundo natin. Sa lupa. Bababa sya para sa isang misyong kailanman ay di maiintindihan ng mga mortal.

Kapag umuulan, bumababa mula sa Langit ang isang anghel, kaya siguro tinuturing na biyaya ang ulan. Dahil ang mga anghel ay regalo mula sa Langit, at sumasabay sila sa biyaya ng pagpatak ng ulan.

Ang mga anghel na bababa sa lupa ay makikihalubilo sa mga mortal na tulad ko. Tulad mo. Makakasama natin ang biyaya ng Langit sa lupa. Di natin sya makikilala. Di natin malalamang isa syang anghel. Katulad kasi natin ang itsura nya, pero ibang iba sya.

Iba ang mga anghel. Imortal sila. At hindi sila kasing hina ng mga tao. Hindi sila mababaw. Nakakaintindi sila. Wala silang pagdududa sa kahit anu mang bagay. Malakas ang pananalig kumbaga.

Naniniwala ako sa kanila. Wala pa kong nakikilala. Wala pa kong nakikita. Pero di na kinakailangan yun. Alam kong totoo sila. Ang pinakamagandang paniniwala ay yung naniniwala ka sa isang bagay kahit di mo pa nakikita, nakikilala o nararamdaman. Parang paniniwala sa Diyos. Naniniwala ka kahit di mo pa sya nakikita.

Ang paniniwala sa bagay o taong di mo pa nakikita ay tinatawag na pananalig. Kaya naman, may pananalig ako. Di man kasing lakas ng sa mga anghel, pero may pananalig ako. May pananalig ako sa iba’t ibang mga bagay – sa anghel, sa pagmamahal, sa Langit, sa buhay, sa Diyos.

Ang koneksyon ng pag-ulan sa pagbaba ng mga anghel ay di ko pa napatutunayan. Di ko pa nasasaksihan. Pero, siguro nga ay totoo yun. Kaya siguro may kakaibang presensya ang mundo kapag umuulan.

 Naniniwala akong kapag umuulan ay may anghel mula sa Langit na bumababa dito sa lupa.

At umuulan ngayon.

10 Ways to Marry an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon