Prologue 2
“Bakit nyo nga po ulit ako pabababain sa lupa?” Ito na siguro ang pandalawampung beses kong tanong sa kanya ng tanong na ito.
Ito na rin ang pandalawampung beses nyang sagot. “Upang protektahan ang babaeng ito.”
“Ano po ba ang mangyayari sa kanya?” Ang totoo, hindi ko maintindihan kung bakit ako pa ang kailangang gumawa noon.
Huminga na malalim si Nero bago sagutin ang tanong ko. Marahil ay rinding-rindi na sya sa walang humpay kong mga tanong. “Nakatakda siyang mamatay sa loob ng tatlong buwan. Kailangan mo siyang protektahan. Iligtas mo siya. Hindi pa niya oras.”
Wala akong karapatang magreklamo at alam ko yun. Sila ang nagbigay-buhay sa akin. Nilikha nila ako. Kumbaga sa chess, isa lang akong dama. Pero di ko maiwasang itanong ang tanong na matagal nang bumabagabag sakin. Di ako pinapatulog ng tanong na ito. “Paano po kung hindi ako magtagumpay at mamatay ang babae?”
“Darating tayo dyan,” tugon niya.
Di ako kuntento sa sagot niya pero nakuha ko ang hinahanap kong sagot.
“Alam mo naman siguro ang mga batas natin hindi ba?”
Alam ko kung anong tinutukoy ni Nero. “Opo, alam ko.”
“Mabuti kung ganon.” Tumayo siya, tumalikod sa akin at naglakad palayo. Pero bago pa siya makatatlong hakbang, tumigil siya at tinawag ang pangalan ko. “Liriel.”
“Bakit po?”
Naramdaman ko ang kanyang ngiti. Ngiting may pag-aalala. Nakababahala.
Ito ang una kong misyon. Ito ang unang beses na pupunta ako sa lupa.
Ang sabi ng ibang mga anghel na nakababa na sa lupa, ang mundo raw ng mga mortal ay napakagulo. Lahat ay puro kasinungalingan. Lahat ay nagkakagulo. Walang kapayapaan. Hindi mo sila maiintindihan, mahihirapan kang makisalamuha at intindihin sila, lalo na kung isa kang anghel. Ibang iba raw ang pag-iisip nila.
Mababaw. Minsan walang basehan. Madalas walang kwenta.
At ang mga mortal daw, lahat sila, mapagsamantala. Gagamitin ka nila. Hindi mo matutukoy ang iyong kaibigan mula sa iyong mga kaaway. At minsan, sa loob ng iisang mortal, dalawang katauhan ang nananahan.
Pero kailangan kong bumaba sa lupa. Kailangan. May babae akong kailangang protektahan dahil di nya yun kayang gawin para sa sarili nya. Di nya kayang protektahan ang kanyang sarili.
Dahil ang totoo, lahat ng mortal mahihina. Wala rin silang alam. Mahilig silang gumawa ng mga kwentong walang basihan upang takutin ang mga sarili nila. Ang iba, walang pananalig kaya napapariwara. Mangmang ang mga tao. Mangmang pero nagmamarunong lahat. Mahina pero nagmamayabang. Maliliit pero nagmamataas.
Mahina
Kayong lahat.
[riapatronus2527: story na naman... story na naman kahit di ko pa natatapos yung dalawa.. aisshh.. kakaibang author ako noh? mahilig sa tambak na trabaho XD
vote, comment, be a fan... kayo na bahala, libre click, lahat maa-appreciate ko
nosebleed ah! isa na kong makata ngayon... pure tagalog?! (pero may word na 'chess'... XD)
so guys, aasahan ko ang suporta nyo... FIGHTING!]
BINABASA MO ANG
10 Ways to Marry an Angel
Mystery / ThrillerThis is a story of an angel who fell in love with a mortal. A story of a girl who lived her boring life alone until an angel decided to stay with her. A story of a choice between family and love. A story of a love you can only have if you are immort...