Part2: Entry # 3
[Solil Ventura’s Entry]
May meeting na naman ang mga SC officers, meaning wala na naman sila Al at Mikhail. Pinauna na nila akong umuwi dahil baka daw matagalan pa sila. Pero dahil may assignment kami tungkol sa Greek gods and goddesses dumaan muna ko ngayon sa library. Kailangan mag-research eh.
Wag na kayong magtaka kung bakit old school ang drama ko ngayon. Wala akong computer sa bahay. Internet shop? Mahal. 20 pesos isang oras?! SUSME! Eh pano kung abutin ka ng 5 oras dun, edi 100 pesos?! Wag na uy!
At dahil mahirap magbasa ng hindi mo alam ang meaning ng words na binabasa mo, nakaugalian ko nang laging may hawak na dictionary tuwing nagbabasa. Pumunta ako sa section ng mga dictionary. AYUS! Nakaabot pa ko. Isa na lang kasi. Aabutin ko na ng biglang may humawak din sa dictionary.
“Ako nauna,” sabi ko agad agad ng hindi nakatingin sa kanya. Ako naman talaga nauna di ba? Ang umangal ipapahabol ko kay Piso! (yung baliw samin)
“Pwede naman tayong mag-share.”
Share? Anong share sinasabi nito? Di uso sakin ang share. Abala kaya yun. Kapag gagamitin mo, ginagamit nya. Kapag gagamitin nya, ginagamit mo. Walang maidudulot na mabuti ang share, trust me. Pampabagal lang yan sa gawain. =__________=
“Ayoko. Gagamitin ko,” sabi ko.
“Ayoko rin. Gagamitin ko rin kaya.”
Aba’t sumasagot pa sya?! Ako naman talaga kasi nauna eh. Mas naunang lumapat yung kamay ko sa dictionary. Makulit din toh eh noh? Sino ba kasi toh?
Nilingon ko sya at…
“Liriel?!” O______O
“Gagamitin ko yung dictionary,” he says coldly without even looking at me.
Tss. Galit pa rin ba sya? Sus. Parang bata. Dahil lang sa nakipag-usap ako kay Alex nagalit na sya agad?Nu problema nya? Tapos hanggang ngayon di pa rin sya umuuwi sa bahay. Mag-iisang linggo na. San natutulog yan? Sa kalye?
Pero teka, ano bang pakialam ko kung di sya umuuwi sa bahay? Di ba dapat matuwa pa nga ako dahil wala ng asungot sa bahay? At isa pa, di naman nya talaga bahy yun eh. Nakatagal ako ng wala sya sa buhay at bahay ko for 16 years, pero bakit ngayon parang di kumpleto kapag wala sya? PAKINSHET! Ang korni ko. =__________=
“Gagamitin ko rin eh. Sorry.” Kinuha ko yung dictionary at lalakad na sana palayo nung pigilan nya ko sa braso.
“Library toh. Di mo pag-aari ang mga libro dito kaya wag mong tangayin yan. Gagamit din ako ng dictionary.”
“Tss. Marami pang iba dyan. Sa iba ka na lang maki-share.” Bakit ba ako lang ang kinukulit nya? At tsaka ayokong makipag-share lalo na kung kay Liriel lang.
BINABASA MO ANG
10 Ways to Marry an Angel
Mystery / ThrillerThis is a story of an angel who fell in love with a mortal. A story of a girl who lived her boring life alone until an angel decided to stay with her. A story of a choice between family and love. A story of a love you can only have if you are immort...