Part1: Entry # 7

1.1K 22 2
                                    

Part1: Entry # 7

[Solil Ventura’s Entry]

“My Heaven, saan ka pupunta? Dito ang classroom ah,” sabi ni Liriel habang nakaturo the other way.

“Edi pumunta ka na sa room. May kailangan pa kong gawin.”

Urgh! Kanina pa sunod ng sunod sakin ang lalaking toh. Sabi ko sa kanya, hindi kami pwedeng magsabay pumasok sa school, pero mapilit sya at sumabay pa rin sakin. Tapos, ngayon namang nasa school na kami, sabi ko mauna na sya sa classroom pero ayan, sunod pa rin ng sunod. LECHE!

“Saan ka nga pupunta, My Heaven?”

“Will you stop calling me that!” iritado kong sagot.

Isa pa yang lintik na My Heaven na yan! Kagabi pa nya ko kinukulit tungkol dyan. Tawag sakin ng tawag ng My Heaven eh ayaw ko nga. AYAW KO! Tapos, namimilit pa syang bigyan ko din daw sya ng term of endearment. Baka daw ba pwede ang My Honeybunch! WAW! Kadiri hah! Neknek nya! I-honeybunch nya mukha nya!

“Uy, saan ka pupunta?”

Di ko sya pinansin at dirediretso lang sa paglakad, after all susundan din naman nya ko kahit sabihin kong wag. Ano pang dahilan para makipag-argue? Wala rin naman akong magagawa. May kaluritan din yan eh!  Parang yung author XD

Huminto ako sa tapat ng locker ko.

“Eh? Ano yan, My Heaven? Bakit may metal na kahon dito?”

“Anong metal na kahon?! Tanga! Locker yan. LOCKER!” Nakita ko naman ang pagtataka nya pagbanggit ko ng word na locker. Aissshhh… Mangmang talaga. “Locker, meaning, lalagyan ng mga books, uniform, notebooks, at kung anu-ano pang school stuffs. Get it?”

“Aaahh… I see. So bakit wala akong ganyan?”

“Bakit? Umorder ka ba sa registrar’s office?” Tss. Ano akala nya sa locker? Libre? Donasyon ng school? Utut nya! May bayad yan! 100 pesos per month. HAY NAKU! Kung di lang talaga mabigat mga gamit ko di ako mag-aaksaya ng 100 pesos para lang sa lockers na yan.

Yung lock ko sa locker eh yung gumagamit ng number combinations kaya I pressed the numbers. Bumukas naman yung pinto ng locker. Pero sabay sa pagbukas nun, may nahulog.

Isang papel.

Huh? Ano naman toh? Letter? Note? From whom? Ano na namang pakulo toh? Yung totoo! BUT WAIT! Di kaya galing sa mga bullies kahapon toh? OMY! Baka they sent me a letter para i-warning ako na may gagawin silang masama sakin?! UWAAA!! Ano toh red note mula sa F4? Korneeee! =__________=

Pinulot ko yung papel na nahulog sa sahig.

“Ano yan, My Heaven?”

“Baka laptop. Meron kasing nagsuksok ng laptop sa locker ko eh. At ngayon, nahulog sya sa floor. MALAMANG PAPEL TOH! DI MO BA NAKIKITA?” Ay, ang bobo! Bakit ba kasi ang COMMON sense, hindi common sa lahat ng tao. Bakit pa naging common sense yun?!

10 Ways to Marry an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon