DEDICATED SAYO. SALAMAT SA PAG-FAN PERO SORRY PO. DI PO AKO NAGBIBIGAY NG SOFT COPIES. 3 REASONS: (1) ON-GOING PA TOH (2) I'M AFRAID OF PLAGIARISM (3) PADAMIHIN PO MUNA ANG READS. HEHE. PWEDE NAMAN PO MABASA TOH SA MOBILE EH. =D
Part3: Entry # 5
[Mikhail Domingo’s Entry]
“Ayus ka lang?” tanong ko kay Al. Nakaupo sya ngayon sa passenger seat ng kotse ko. Ako naman ang nagda-drive.
She nodded. “Salamat Mikhail.”
“Basta ikaw. Malakas ka sakin eh.” At mahal na mahal kita.
Pinilit ko syang magpunta sa ospital para ma-inform kami tungkol sa chemo nya. Buti na lang wala sa bahay nila ang Mom at Dad nya kaya madali kaming nakaalis. DI pa rin kasi nila alam ang tungkol sa sakit ni Al. Ayaw pa rin namang ipaalam ni Al kahit ilang beses ko na syang kinumbinsi. Matigas ang ulo eh.
+++
“Good morning Dr. Salzano,” bati ni Al pagpasok namin sa room ng doctor nya sa ospital.
“Oh iha. Ikaw pala. May kasama ka ata. Upo kayo. Boyfriend mo?” tanong nung Dr. Salzano. Waw ah. Intregera ang doktorang toh.
Al smiled. “Di po. Kaibigan lang.”
Define brokenhearted. Masakit yun ah. Tagusan. <///3
“Mikhail nga po pala,” pagpapakilala ko sa sarili ko. Nakipag-shake hands ako sa kanya. “Pumunta nga po pala kami dito para malaman yung tungkol sa chemotherapy ni Al.”
“Ah ganun ba? Nandyan din ba ang parents mo iha? Kung mapapa-chemo ka kasi, kailangan ko sila. Sila dapat ang magdesisyon para sayo. Below 18 ka pa eh. Ipapaliwanag ko na rin sa kanila ang sitwasyon mo. Meron din silang kailangang pirmahan na papers. So andyan ba sila?”
Tumingin sakin si Al. Alam kong ayaw nyang sabihin sa magulang nya.
“Dr. Salzano wala po sila dito. Kaming dalawa lang,” sabi ni Al.
+++
In the end hindi rin kami pinayagang maipa-chemo sya. Kailangan daw ng consent ng parents. Kailan pa daw ipaliwanag kela Tita ang sitwasyon ni Al. Atat na atat na nga yung Dr. Salzano na maka-usap yung parents ni Al eh. Baka daw kasi lumala pa yung kalagayan ni Al kaya mas mabuti nang alam nila.
I understand. Alam kong may mahalagang role ang mga magulang ni Al dito. Si Al naman nagmamatigas pa rin. Dinadala nya toh mag-isa kasi ayaw nyang maging sakit ng ulo ng parents nya. Poproblemahin pa daw sya eh marami na ngang problema yung kompanya nila. Crap.
Ewan ko ba. Di ko alam kung pano toh natitiis ni Al. Di sya malakas. Hindi sya katulad ng ibang taong kayang-kaya ang mag-isa. Kung ikukumpara kay Solil, walang wala si Al. Independent si Solil pero si Al madalas na naka-asa sa parents nya o sa ibang tao. But now she’s so strong.
BINABASA MO ANG
10 Ways to Marry an Angel
Mystery / ThrillerThis is a story of an angel who fell in love with a mortal. A story of a girl who lived her boring life alone until an angel decided to stay with her. A story of a choice between family and love. A story of a love you can only have if you are immort...