PARA KAY HYSTG ANG UD NA TOH. GANDA PO NG SHE DIED EH =D
Part2: Entry # 8
[Solil Ventura’s Entry]
Sabi ko di ko na babalikan ang nakaraan. Sabi ko ayoko na. Pinangako ko sa sarili kong hindi ko na yun aalalahanin pa. Pero bakit kinakain ko ngayon lahat ng sinabi kong yon? Bakit nandito ako ngayon? Bakit pagkatapos ng lahat eh gusto ko pa rin palang malaman ang totoo at ngayon nandito ko?
“You okay?”
Bakit kami nandito ngayon ni Liriel sa Marikina, hinahanap si Aling Thelma para malaman ang lintik na katotohanan?
“I’m okay. Let’s just find her and know the truth.” Tumango sya at naglakad kami para hanapin ang Barangay 14. Yun ang sinabi nyang tirahan nya. Marikina, Barangay 14.
At dahil hindi namin alam ang specific na address nya, nagtanong-tanong muna kami sa mga taga-doon. Mukha namang kilala nila si Aling Thelma at tinuro kami sa isang maliit, masikip, at sira-sirang bahay sa duluhan. Dadaan ka muna sa eskinita, putikan, at squatters area para makapunta doon. Actually, parte pa nga squatters yung bahay nya.
Kumatok kami pero walang nagbubukas ng pinto o sumasagot man lang.
“Aling Thelma, pwede po ba namin kayong makausap?” tanong ni Liriel. Wala pa ring sagot.
“Ako po ito, yung nakita nyo sa mall nung isang araw. Si San – Solil po.”
May nagbukas ng pinto. Isang bata ang dumungaw. Uhugin, gusgusin, at maduming bata. Nakasuot ng naninilaw na sando at sirang shorts.
“Pasensya na po pero wala po kaming kilalang Solil.”
“Hah? Eto ba ang bahay ni Aling Thelma? Nandyan ba sya? Pakisabi nga nandito kamo si Solil sa labas. Ako yung nakita nya sa mall nung isang araw,” pagpapaliwanag ko.
“Wala nga po kaming kilala –”
“Apo, ano ba meron dyan?” tanong ng isang matanda mula sa loob ng barung-barong. Narinig ko ang paglakad nya papalapit sa pinto. Dumungaw sya at
“Aling Thelma, ako po – Eh?”
“Iha, ano yon? May kailangan ka ba?”
Hindi sya ang hinahanap ko. Hindi sya si Aling Thelma. “Nandyan po ba si Aling Thelma? Sabi po kasi nung mga taga-rito dito daw po sya nakatira.”
“Thelma? Walang Thelma dito iha. Wala akong kilalang Thelma sa lugar namin. Matagal na kimi dito ng apo ko kaya imposibleng magkakaroon ng Thelma sa bahay namin.”
Ang weird. Wala syang kilalang Thelma samantalang dito kami tinuro nung mga tambay kanina. Meaning, kilala nung mga tambay si Aling Thelma. Pero bakit wala sya dito?
BINABASA MO ANG
10 Ways to Marry an Angel
Mystery / ThrillerThis is a story of an angel who fell in love with a mortal. A story of a girl who lived her boring life alone until an angel decided to stay with her. A story of a choice between family and love. A story of a love you can only have if you are immort...