Part2: Entry # 5

1.1K 18 4
                                    

DEDICATED TO BlackLily BECAUSE ANGANDA NG STORIES NYA =))

Part2: Entry # 5

[Solil Ventura’s Entry]

Kumakain kami ng lunch sa isang table. Awkward eh. Si Al kasi at si Mikhail hindi nagpapansinan. Hmm. I smell something fishy. Parang may nangyaring di ko alam.

“Bili lang akong bottled water,” paalam ni Al.

“Samahan na kita,” pagpiprisinta ni Liriel. At umalis nga muna sila para bumili.

Nung malayo na sila, I decided to asko Mikhail. “Psst.”

“Hmm?” sabi nya habang humihigop sa straw ng Zesto nya.

“Anyare sa inyo ni Al? Wag ka na mag-deny!” Alam kong may nangyari at alam ko rin na nag-iisip na ngayon si Mikhail ng mga kasinungalingan para pagtakpan yun.

“W-wala.”

No he’s stuttering. Mas lalo tuloy akong na-iintriga. “Yung totoo. Alam kong may nangyari eh. Kapag di ka nagsabi sasabihin ko kay Al na crush mo sya!” pang-bblackmail ko.

“Tss. Edi sabihin mo,” sabi nya ng di nakatingin sakin. Binubuklat lang nya yung Physics book nya.

Wow. Di sya takot? Ano ba talaga nangyari? Ay, wait! Di kaya… “ALAM NA NYA?”

Naibuga nya yung Zesto. “Ano ba?! Bakit ka ba sumisigaw dyan?!” galit nyang sabi habang pinupunasan yung uniform nyang natapunan ng juice.

“Ay, sorry.” Bumulong na lang ako. “Alam na ni Al? Alam na nyang may gusto ka sa kanya?” excited kong tanong. Tumango lang sya. “WAAAHH - MMM!!” Bigla na lang nyang tinakpan ng kamay nya yung bibig ko. Pilit ko yung tinanggal. “PWE!! Ano ba?! Ang alat ng kamay mo hah!”

“Wag ka ngang OA. Sigaw ka kaagad eh.”

“Sorry ah. Excited lang kasi.” Isipin nyo! Naging man enough sya para aminin yun kay Al! WOW! Natagalan nga lang pero at least nasabi nya rin. “So, ano? Nasabi mo na nga? Anong sabi nya? Kayo na ba? Uy! Kayo hah! Di kayo nagsasabi,” panunukso ko habang pino-poke pa yung braso nya.

“Isa-isa lang tanong pwede? Oo, nasabi ko na. Wala. Walang nangyari. Ang sabi lang nya… gusto nya daw si Liriel,” nakayukong sabi ni Mikhail. “Ayus lang. At least nasabi ko di ba? After all bagay naman sila ni Liriel. From the beginning naman kasi alam kong walang pag-asa.”

“Gago ka ba? Susuko ka na lang agad? So what kung gusto nya si Liriel?! Di pa naman sila ah! Tsaka mukha namang walang gusto sa kanya si Liriel.” Kasi sakin sya may gusto. ECHOS! Ashumera ko naman! *pukpok ulo*

“Psh. Ewan. Mauna na nga ako. This is nonsense.” Tumayo na sya at kinuha yung libro nya. Lalakad na sana si Mikhail palayo pero nagsalita ako.

“Kung susuko ka, talagang walang mangyayari. This’ll be all nonsense. If you really like, fight for your feelings. You’ll regret everything if you don’t. Don’t be such bullshit. Coward,” sabi ko sabay smirk. Wala syang sinabi at lumakad na palayo. I know he heard me. I hope he wakes up.

10 Ways to Marry an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon