Part3: Entry # 4
[Solil Ventura’s Entry]
Mag-isa ko ngayon. Si Liriel may pinuntahan. Kami dapat talaga ni Mikhail ang sabay na uuwi pero dahil nga nagpunta sya kela Al, naiwan akong mag-isa dito.
Tumingin ako sa relo ko. 7:30 pm. Gabi na pero nasa school pa rin ako. Timing na timing kasi, 10 minutes after umalis ni Mikhail, bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. SHET NAMAN OH! Wala pa naman akong dalang payong! Malay ko bang uulan. Kanina lang ang ganda ng panahon eh.
Gusto ko ng umuwi! WAAH! Cooperate damn weather, cooperate. Tumigil ka na ulan, please?
“Manong, wala po ba kayo talagang payong?”
“Pasensya na iha, buong gabi kasi ang shift ko dito. Hindi naman ako aalis. Wala akong ibang pupuntahan kaya hindi na ko nagdala ng payong.”
SHEMMAY! Eh pano na ko uuwi nito?! Kung sana mahina lang tong ulan edi sana tinakbo ko na. Eh sobrang lakas kaya! Makabaklas bubong! Mamaya kapag tumakbo ko pauwi mapugot pa ulo ko sa mga nagliliparang yero! I’M SCARED! >_________<
“May bagyo ba manong? Bakit ang lakas ng ulan?” tanong ko sa guard. Kaming dalawa na lang ata yung tao ngayon dito. Yung ibang guard kasi naglilibot sa second floor at sa third floor. Sya lang nandito sa guard house.
“Wala namang ganyang balita iha. Baka dulot na naman ng habagat.”
LANGYANG HABAGAT YAN! Pasabay-sabay pa eh! Kung kelan pagod ako, nagugutom at gusto ko ng umuwi tsaka naman sya bibira. =_________=
BAHALA NA NGA!
“Kuya tatakbuhin ko na lang toh.”
“Hah? Sigurado ka? HOY INENG!”
Hindi ko na pinakinggan yung sasabihin ni manong guard. Tumakbo na ko kaagad. Ipinangtakip ko sa ulo ko yung libro namin sa physics. Tumakbo lang ako ng tumakbo. Malapit lang din naman yung bahay ko. Walking distance. Araw-araw ko kayang nilalakad yun. Tumatakbo ako pauwi nang…
!!—KRIK--!!
Napahinto ako sa pagtakbo. Nakatayo ako sa tapat ng bakanteng lote. May kung ano kong narinig mula dito. May narinig akong sound na nanggaling sa lugar kung saan nakita ko si Liriel noon. Parang may nabaling sanga. Parang may tao dun. Umuulan. Gabi na. Bakit may tao pa sa labas?
Umuulan.
Napatanga ko sa salitang yun.
Umuulan.
Umuulan nga pala.
Ang huling pag-ulan na naranasan namin ay nung nakita ko si Liriel sa mismong lugar na toh.
BINABASA MO ANG
10 Ways to Marry an Angel
Mystery / ThrillerThis is a story of an angel who fell in love with a mortal. A story of a girl who lived her boring life alone until an angel decided to stay with her. A story of a choice between family and love. A story of a love you can only have if you are immort...