Part2: Entry # 9

1K 14 0
                                    

Part2: Entry # 9

[Liriel’s Entry]

Lumabas ako ng bar. Hay nako. Nandito pa rin ang babaeng toh? Yeah. Alam kong kanina pa nya ko sinusundan dito sa bar, pero dahil below 18 pa yan, syempre di sya pinapasok. Ayan, nangungulit sa bouncer. =______=

“Sige na kuya! Sandali lang naman ako eh. Tsaka kasama ko po yung isang pumasok,” pagpupumilit ni My Heaven.

“Di nga pwede bata. Below 18 ka pa eh. Bawal kaming magpapasok ng below 18,” sabi naman nung bouncer na triple ang laki kay Solil – width and height.

“EEEEEEEHHH!! Eh bakit yung kasama ko, pinapasok nyo?! 17 years old pa lang yun ah! Unfair nito!! KORAPSYON! SUHOL!” >________<

“Eh makulit ka pala eh! Bawal nga! Umalis ka na dito bata. Nakakaistorbo ka na eh. Kapag di ka pa umalis dito bubuhatin na kita at itatapon dyan sa may dumpsite!”

“HEH! Sabi kasing may titingnan lang ako eh!”

“Sabi mo kanina iihi ka sa loob, ngayon naman may titingnan ka na! Niloloko mo ba kong bata ka?! Mainis mo ko eh!”

HAHA! Kakaiba rin tong bouncer na toh eh. Akalain mo ba namang makipagkulitan kay Solil? Pero alam kong any minute ay talagang tototohanin nya yung sinasabi nya. Papaalisin nya si My Heaven. Biruin nyo, kanina pa yan dyan. Mga ilang minuto rin siguro kaming nag-usap ni Alex, meaning ganun na din sya katagal na nangungulit dyan. Toh talagang babaeng toh. Kung di lang yan mahalaga sakin eh, kanina ko pa yan pinagalitan :”>

“Kuya naman eeeeeeeeehh… Papasukin mo na ko. Promise, sandali lang talaga ko. 1 minute. AY! 30 seconds lang. Please?! Titingnan ko lang kung kanino makikipagkita yung kasama ko,” pagpipilit ulit ni Solil. So gusto nyang alamin kung kanino ko makikipagkita? Concern? Curious? AYIII <3

“Ay nako. Kala ko ba kasama mo? Eh bakit di mo alam kung kanino sya makikipagkita?” Nadale ni kuya. Nice one! XD

“Eh?”

O-k. Nababara na si My Heaven. Pauwiin ko na nga. Lalapit n asana ko sa kanya when a guy suddenly walks pass me. Binunggo pa yung balikat ko ng sobrang lakas and he did not even bother saying sorry or kahit lumingon man lang sakin. Who is that?

Lumapit yung lalaki kela My Heaven at dun sa bouncer.

“Pasensya na boss. Ginugulo po ba kayo ng girlfriend ko?” tanong nung lalaki sa bouncer.

WAW LANG HAH! Girlfriend? Si My Heaven ko?! Neknek! Wala namang ka-relasyon si Solil ah. Or am I outdated? Baka meron, di ko lang nababalitaan. Pero magkasama kaya kami sa bahay, pati pa nga sa school eh. At anghel ako. Madali kong malalaman ang mga bagay-bagay. Well, except sa One-winged Angel na yun. Aaminin ko, nahirapan ako sa riddle na yun.

“Alex?” gulat na tanong ni Solil habang nanglalaki ang mata. So si Alex yung lalaking yun? Sya ang bumunggo sakin at sya rin ang nagsabing ‘girlfriend’ nya ang My Heaven ko? Tss.

10 Ways to Marry an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon