HEY GUYS!
Kahit di kayo interesado or tinatamad or naboboringan sa mga epal author notes, please pakibasa. Bakit THE END OF BOOK 1 yung nakasulat? Read this. Kung gusto nyong malaman ang mga sagot sa tanong nyo, magbasa kayo. PLEASE?
WOW! JUST WOW!
Nung sinulat ko ang 10 Ways to Marry an Angel, eka nga si Taylor Swift, I had high hopes but no expectations. Marami akong ‘sana’. Na sana marami akong ma-share-an ng idea gamit ang story na toh. Pero di ko inexpect na aabot sa 3,000. MASAYA!
Saan ko nakuha yung idea ng 10 Ways? Kung nabasa nyo na ang librong Hush Hush by Becca Fitzpatrick, hawig sya dun. Kaya lang sa story nay un Fallen Angel yung lalaki. ANYWAY HIGHWAY, yung mga kinds of angle chuchu ko dito, puro imagination ko lang. HAHA! Yan ang nagagawa ng taong bored.
Saan ko nakuha yung cast? Mula sina SeungHo (Liriel) at JungHwa (Solil) sa music video na ‘Whenever You Play That Song’ by Huh Gak ft. LE. Ang sweet kasi nila sa MV na yan. HAHA! Sila JoongKi (Mikhail) at ChaeWon (Al) naman ay galing sa Koreanovela na Nice Guy. Si Jiro Wang (Cay) naman napili ko kasi ang hot nya sa Purple House. Si Tao (Alex) napili ko dahil gwapo este mula kasi sa EXO. OO! ISA KO SA MGA BALIW SA EXO! xD
Yung name nila eto ang etymology.
Liriel & Mikhail = mula sa book na Shadow Matrix
Solil & Alanni = ang rinig ko kasi sa isang line sa kanta ng EXID na Whoz That Girl ay ‘salani’ nun pala ‘that is all I need’ SORRY NA! Ang cute kasi ng SALANI kaya hinati ko sa dalawa. Ang kinalabasan? SOLIL and ALANNI
Cay = mula kay Kai ng EXO-K (adik, sorry) iniba ko lang yung spelling xD
Alex = bigla na lang pumasok sa utak ko
Bakit napili ko ang genre na toh para isulat? Kasi mahilig din akong magbasa ng gantong uri ng story. Yung komplikado. Yung ang hadlang sa isang love story ay hindi tao kungi destiny/fate/life/etc.
ETO NA!
BAKIT NGA BA THE END OF BOOK 1 ANG NAKALAGAY?!
KASI NGA, may book 2 toh. YOU’VE READ IT RIGHT! May book 2 ang 10 Ways. Kapal ng mukha kong mag-book 2 eh noh? HAHA! Sorry na. Hahaba kasi masyado kung tuluy-tuloy. Kaya book 2 ang naisip kong solusyon.
Ano ang title ng book 2? May dalawa akong pinagpipilian. SERENDIPITY or MARRYING THE ANGEL. Pa-comment nga kung anong mas ok. Kung wala kayong mapili, pwedeng mag-suggest. THANKS!
So sa book 2, may madadagdag na characters but swear, nandun pa rin sila Liriel, Solil, Al, Mikhail & Cay. May patikim ako. (ANO TOH FREE TASTE SA PUREGOLD?!) Hindi po magiging forever alone si Cay. OHA! Abangan nyo rin kung anong mangyayari sa kanya ngayong isa na syang Stranded.
Sa lahat ng nagbasa, sa nag-abang sa mga matagal na UDs, sa nag-stay mula umpisa hanggang dulo, sa nag-comment kahit hassle, sa nag-vote kahit wala naman silang mapapala sa pag-vote, sa mga nag-spread ng story, SALAMAT! THANK YOU TALAGA!
Sa totoo lang, kaligayahan na saking makitang kulay pula na yung mga READS. HAHA! Eh kasi hindi ko naman talaga akalaing may mag-aaksaya ng oras na magbasa nito. NAIIYAK NA KO! CHAROT!
SORRY! Sorry sa late updates, sa wrong grammar, sa typos, sa wrong spelling, sa mga epal na author notes na kung kelan na lang biglang sumusulpot, sa mga walang saysay na comments ko, etc. SORRY GUYS!
YUN NA YUN! Marami pa kong gustong sabihin pero baka magmukha na tong nobela.
Abangan na lang ang Book 2 na sa 2013 pa lalabas. For now sa story ko munang Who is She? Who is He? ako tututok. First story ko yun pero mas nauna pa tong matapos. xD
BTW, sa 2013 na rin pala mag-uumpisa yung He’s My Boyfriend I’m Her What?! na bago kong story. Yung Secretly Yours naman pinag-iisipan ko pa kung ide-delete ko ba.
YUN NA TALAGA PRAMIS! STOP THE TALKING NA KO! Dami ko kasing satsat eh. -______-“
THANK YOU SA LAHAT!
P.S. Sa mga gusto ng Softcopies, sorry mga dre, di ako magbibigay. Nakakatakot kasi ang plagiarism. Tulad nung isang araw, napaaway pa kami ni @bubblywater dahil sa plagiarism na yan. HAHA! SORRY NA. Dala lang ng emosyon guys. PEACE.
P.S. # 2: Kapag kinulit nyo ko baka mapaaga ang Book 2. Pilitin nyo muna kooooo~ ARTE KO NAMAN! xD HAHA! Pero mahirap kasing gumawa ng Book 2 nang di mo alam kung may babasa ba. Comment kayo para malaman ko kung may interesado sa Book 2.
\m/riapatronus2527
BINABASA MO ANG
10 Ways to Marry an Angel
Mystery / ThrillerThis is a story of an angel who fell in love with a mortal. A story of a girl who lived her boring life alone until an angel decided to stay with her. A story of a choice between family and love. A story of a love you can only have if you are immort...