Part3: Entry # 7

992 17 4
                                    

DEDICATED KAY ATENG DAHIL SA SUPPORT NYA SA HALOS LAHAT NG STORIES KO. SALAMAT NG MARAMI. NEXT TIME NAMAN ANG DEDIC SA IBA =D

SORRY SA LATE UD. AKO'Y NAKITULOG SA BAHAY NG KAKLASE AT NANUOD KAMI MAGHAPON NG PRINCESS HOURS xD

Part3: Entry # 7

[Mikhail Domingo’s Entry]

Nung nakaalis na sila Solil at Liriel, naiwan akong mag-isa sa kwarto ni Al. Tulog pa rin sya. Mukhang marami-rami atang pinag-uusapan sila Dr. Salzano at ang mga magulang ni Al kaya hanggang ngayon wala pa sila.

Hinawakan ko yung kamay ni Al. Bakit ba sa bilyon-bilyong tao sa mundo, bakit sya pa? Bakit sa lahat ng sakit na pwedeng makuha, cancer pa? Lintik lang. Naiiyak na tuloy ako. I wipe my tears away using the back of my hand.

Taena. Bakit ba ko umiiyak? Ampupu. Nakakabakla.

After a few minutes, narinig kong parang gumalaw yung doorknob. Mukhang tapos na atang mag-usap sina Dr. Salzano at sila Tito. Pabukas n asana yung pinto nang hindi ito matuloy. Lumapit ako sa pinto. Hindi sinasadyang marinig ko ang usapan nila.

“Kailangan nga po palang salinan ng dugo ni Alanni,” boses ni Dr. Salzano.

“Sa blood bank na lang siguro,” boses ni Tito.

“Sa ngayon po kasi wala masyadong stock ng dugo sa blood bank. Naka-reserve na rin po yung karamihan. Pasensya na. Pero pwede naman pong kayo ang mag-donate. Anak nyo naman po sya eh. Blood type O sya.” – Dr. Salzano

“Type A ako,” sabi ni Tito. “Si Amy naman type AB.”

“Huh? Pano po nangyari yun?” takang-takang tanong ni Dr. Salzano. It took a few moments bago ko ulit marinig ang mga boses nila. “Tara, dun po tayo mag-usap.” Narinig ko ang mga yabag ng paa palayo sa kwarto ni Al.

Blood type. A, AB, O.  Biology. Nung first year pa namin pinag-aralan yun pero tandang tanda ko pa. Ang mag-asawang isang type A at B pwedeng magkaanak ng type O depende sa genotype nila. Pero isang type A at isang type AB, imposible.

Imposible.

Nilingon ko si Al. Tulog na tulog pa rin. Isang tanong lang ang pumapasok sa isip ko ngayon. Sino sya?

==

Saturday. Sa Jollibee.

Kasama ko sila Solil at Liriel. Malapit lang kasi sa ospital itong Jollibee. Kadadalaw lang namin kay Al at pumunta lang kami dito para mag-lunch.

Hanggang ngayon binabagabag pa rin ako ng nangyari kahapon. Ng narinig ko kahapon. Dapat ko bang sabihin kela Solil? I guess so. Nadala na ko dahil sa paglilihim namin sa sakit ni Al. Baka mabara at masigawan na naman ako ni Solil. Mahirap na. Alam nyo naman yan. =________=

10 Ways to Marry an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon