Part1: Entry # 3

1.5K 34 7
                                    

DEDICATED SA KANYA SA SIMPLENG KADAHILANANG IDOL KO SYA... XD =D

 ★.★.★.★.★.★.★.★.★.★.★

Part1: Entry # 3

[Solil Ventura’s Entry]

“Good Morning, Solil,” bati sakin ni Liriel. Nakaupo sya sa gilid ng kama ko at marahang niyuyugyog ang braso ko.

“Ano ba? Inaantok pa ko.” Hinawi ko sya. Ayoko ng istorbo kapag natutulog. Pero dahil pinatira ko ang lalaking toh sa bahay, mukhang dapat na kong masanay nang naiistorbo.

“Nagluto na ko ng pagkain mo. Sabi mo rin sakin bibilhan mo ko ng damit ngayon.”

Nakakainis. Pero di ko rin naman sya masalungat. Di ko kayang makipagtalo sa kanya. Inalis ko yung kumot ko at bumangon. Dumiretso kami ni Liriel sa kusina. Marami syang hinandang pagkain. Masarap lahat. Magaling palang magluto ang isang toh.

“Solil, anong susuotin ko pagbili natin ng damit?” tanong nya.

“Wala. Bonnet lang.” Nakita ko namang nagtaka sya. Di ata na-gets yung joke. Walang humor sa katawan. Sloooooooow. Tss. “De, joke lang.”

Pero oo nga noh. Bibili pa lang kami ng lahat ng gamit nya bukas. Wala pa syang kahit ano ngayon. Wala syang damit. Ano nga bang isususot nya mamaya?

“Alam ko na. Sandali lang. Dyan ka lang, wag kang aalis.” Tumayo ako at pumunta sa bahay ni Nanay Selya. Kapitbahay ko lang sya. Nakatira sa tabi ng bahay. Tulad ng sinabi ni Liriel, sya nga ang may-ari ng inuupahan kong bahay. “Tao po?”

Bumukas ang pinto. Nginitian ko si Nanay Selya at nagmano sa kanya. “Oh, Solil, hija. Anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?”

“Nay, may damit po ba kayong panglalaki dyan? Yung pong sa anak nyong si Gary o kahit po yung mga kay Tatay Kardo.”

“Aanhin mo ba?”

“Hoh? Eh props lang po para sa school.”

“Ah ganun ba. Pumasok ka muna at hahanap ako.” Pumasok ako sa bahay ni Nay Selya. Pinahiram nya ko ng pantalon at polo. Nagpasalamat ako at bumalik na sa bahay.

“Di mo kailangang magsinungaling para makakuha ng damit,” bungad sakin ni Liriel.

Tss. Pasalamat nga sya nanghiram pa ko. Balak ko na nga lang na sungkitin yung damit ng kapitbahay eh. Binato ko sa kanya yung damit. “Maligo ka na at suotin mo na yan.”

“Maligo?”

“Oo. Maligo. Bubuhusan mo ang katawan mo ng tubig, magsasabon, magsha-shampoo, at hihiluran ang katawan. Never ka pa bang naligo?”

“Di ko pa nagagawa yun.”

Eh? Di pa nya nagagawa? Kahit kelan di pa sya naligo? Takas ata sa mental ang taong toh. Pero di naman sya mabaho. Mabango nga eh. Yung amoy nya, mananatili kahit di mo na sya kasama. Maamoy mo pa rin yun kahit malayo na sya sayo. It lingers.

10 Ways to Marry an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon