Part3: Entry # 2

994 17 4
                                    

DEDICATED SA KANYA DAHIL SA VOTES NYA. SALAMAT! GODBLESS PO!

Part3: Entry # 2

[Al Ruiz’s Entry]

“Anak, bakit ba ayaw mong lumabas dyan sa kwarto mo? Bakit ni-lock mo tong pinto? Nawawala din yung susi. Alam kong kinuha mo rin yun,” sabi ni Mom mula sa labas ng kwarto ko. Kanina pa sila kumakatok pero ayokong buksan.

“Al lumabas ka na anak. Ano ba kasing problema. May dumating na sulat mula sa school mo. Pinapatawag kami. Tungkol saan ba yun? Iyon din ba ang dahilan kung bakit ka nagkukulong dyan? Anak promise di kami magagalit sayo basta lumabas ka lang dyan,” pagkukumbinsi naman si Dad.

“Ayokong lumabas! Umalis na nga lang kayo!” sigaw ko sa kanila.

“Anak hindi naman mareresolba toh kung di ka makikipag-usap samin,” sabi ni Mom.

Eh sa ayaw ko nga silang kausapin eh! Ayokong makipag-usap sa kahit kanino ngayon! Naiinis ako! Nasasaktan! Naaasar! Ayokong makipagkwentuhan sa ibang tao! Ayokong makita ang kahit sino man ngayon!

“IWAN NYO NGA MUNA KO! LALABAS NAMAN AKO KUNG KELAN KO GUSTO EH!” sigaw ko. Ginagat ko yung labi ko para mapigilan ang pag-iyak ko. Bakit ba kasi ayaw nila kong tantanan?!

“Anak sabi ni manang hindi ka rind aw kumakain. Nag-iiwan na lang daw sya ng pagkain dito sa labas ng kwarto mo pero hindi mo man lang daw ginagalaw. Ano bang problema anak?” tanong ni Mom.

“Anak please. Nagmamakaawa na kami ng Mom mo. Lumabas ka na dyan,” sabi ni Dad.

“ALIS SABI EH!”

“Ok anak, kung hindi ka pa handang makipag-usap samin ngayon aalis na kami. Basta anak, kung ano man ang problema mo, nandito lang kami ng Dad mo,” sabi ni Mom. “Kainin mo na rin tong pagkain. Iiwan ko na lang dito sa may pinto. Kapag nakita kong hindi mo toh kinain, ipapasira ko na tong pinto ng kwarto mo. Dad halika na.”

Narinig ko ang mga yabag ng paa palayo sa kwarto ko. Sa wakas, umalis na rin ang mga makukulit. Sa wakas, mag-isa na lang ulit ako. Sa wakas, pwede na ulit akong umiyak.

Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko. Niyakap ko ang mga binti ko at sinubsob ang mukha ko sa pagitan ng mga tuhod ko. Sana lang hindi nila marinig ang pagngawa ko ngayon. Nakakahiya.

Hindi ako nalulungkot, hindi ako nagkukulong at hindi ako umiiyak dahil sa pagkakatanggal ko sa SC. Matagal ko ng natanggap yun. Hindi ko na sinisisi si Mikhail. Tanggap ko na lahat ng nangyari at mangyayari dahil sa video. Yung pagkakatanggal sa SC, yung suspension o kahit kick out man ang consequence, wala na kong pakialam. Kahit hindi na nila ko pa-graduate-tin bahala na sila sa buhay nila.

Wala na kong pakialam sa kahit ano man.

Basta ang gusto ko lang ngayon ay umiyak.

10 Ways to Marry an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon