Part1: Entry # 2
[Solil Ventura’s Entry]
Nagsimula ang lahat noong umuulan, noong may napulot akong itim na libro at noong nakilala ko ang isang lalaking nakatakdang sumira sa buhay ko. Nagsimula ang lahat ng ganito…
Umuulan habang pauwi ako sa bahay. Malakas ang ulan pero wala akong dalang payong. Wala rin naman akong pakialam. Di ako natatakot mabasa. Di ko iniiwasan ang ulan.
Habang naglalakad sa madilim na kalye pauwi, bigla na lang may tumama sa paa kong kung anong mabigat na bagay. Huminto ako para tingnan at nakita ko ang isang itim na bagay na nasa lapag. Isang libro. Itim na libro.
“Pano naman nagkaron ng libro sa gitna ng kalye?” tanong ko sa sarili. Madalas kong kausapin ang sarili ko. Masanay na kayo. Madalas kong gawin ng isang tao lalo nang mag-isa lang sya sa buhay.
Alam kong hindi ko dapat kunin ang librong yun, pero kinuha ko pa rin. Inabot ko yung libro. Basa na yung cover, pero ang nakapagtataka, walang ni-isa man sa mga pahina ang basa.
Mukhang luma na yung libro. Plane black lang yung cover. Walang design. Binuksan ko at dun ko napatunayang luma na nga. Dilaw na ang bawat pahina. Walang nakasulat. Walang kahit na ano. Nilipat ko ang bawat pahina ng matulin kaya naman narinig ko ang pagtunog ng spine nung libro. Pero wala talagang nakasulat.
Para saan pa kaya ang isang libro kung wala namang nakasulat? Kung walang laman? Kung walang babasahin, libro pa ba ang tawag dun?
“Baka naman notebook toh,” sabi ko ulit.
Pagnanakaw man ang tawag, di ko napigilan ang sarili kong isilid sa bag ko yung libro. Wala namang nakasulat na pangalan, ibig sabihin, walang nagmamay-ari. Di pagnanakaw ang tawag dun. Pamumulot.
Bogsh!
Bigla akong may narinig na parang pagbagsak ng mabigat na bagay mula sa mataas na lugar. At mukhang nanggaling yun sa damuhan sa di kalayuan. Mapanganib sa lugar nay un. Walang sino man sa lugar namin ang may lakas ng loob na magpunta doon. Tapunan daw kasi ng mga nire-rape, mina-massacre, pinapatay, etc.
Minsan ginagawa pang slaughter house. Tapunan ng mga chop-chop na katawan ng kung sino mang taong may nakasabit pang sign na may nakasulat na “Rapist. Wag tularan.”
Ang di nila alam, tambayan ko yun. Totoong may mga patay ngang tinatapun doon. Nakikita ko yung iba sa mga bangkay. Pero di ko pa nakikita yung mga nagtatapon.
Tumakbo ako papunta sa damuhan. Mataas yung mga damo dito kaya ideal place talagang tapunan ng mga patay. May fence sa paligid nung field para maiwasang puntahan ng mga bata.
Pumasok ako. Sa gitna ng damuhan na toh, may statue ng isang anghel na nakalahad yung pakpak, pero dahil sa kalumaan, isa na lang yung natitirang pakpak na nakakabit. Bukod sa statue ng yun may fountain din malapit dun, pero din a yung gumagana. Walang tubig na lumalabas.
BINABASA MO ANG
10 Ways to Marry an Angel
Mystery / ThrillerThis is a story of an angel who fell in love with a mortal. A story of a girl who lived her boring life alone until an angel decided to stay with her. A story of a choice between family and love. A story of a love you can only have if you are immort...