Part1: Entry # 9

1.1K 17 8
                                    

New character: Tao (of EXO-M) as Alex

[picture of (Tao) Alex on the side --------------------------->]

Part1: Entry # 9

[Solil Ventura’s Entry]

Nasa gate pa lang kami ng bahay nila Sarah, but wait, this is not a house. This is a mansion! Sobrang laki. Nakarating na kami dati dito nila Al pero di pa rin maiwasang magulat kung gaano toh kalaki. Milyon milyon tyak ang ginastos para dito.

{Now Playing: Lovey Dovey by T~ara}

{pwedeng mapanood/mapakinggan sa video sa multimedia --------------------->}

Hiningi nung guard yung invitation namin, then pinapasok na rin kami. Dumadagundong yung music. Yung mismong party ay nasa garden lang nila Sarah. Grabe! Mas malaki pa yung garden nila kesa sa apartment ko. Eh ten times yung laki ng garden sa laki ng mismong bahay. Can you even imagine that?

“Hey, Liriel.”

“Sarah. Happy birthday! Para sayo, galing samin ni Solil. Pinagsama na lang namin.”

“Thanks.” Kinalabit nya yung isang papadaang waiter. “Excuse me. Pakilagay na nga lang sa table ng mga gifts ko.”

Well, di galing sakin yun. Kay Liriel lang galing yung regalong yun. Ako? Asahan nyo pang regaluhan ko yang babaeng yan. Baka ahas pa iregalo ko dyan o kaya tigre eh, kaya mas mabuti ng wag na lang akong magregalo.

“Let’s go, Liriel. Let’s have fun. Kumain ka na ba? Tara, I’ll introduce you to Mom and Dad, pati na rin sa mga friends ko.” Biglang pinalupot ni Sarah yung braso nya sa braso ni Liriel at kinaladkad palayo.

“Wait –” pagpipigil sana ni Liriel sa kanya pero tuluyuan na syang na-abduct nung alien girl na yun.

Tss. Yan na nga ba sinasabi ko eh. From the very beginning, alam ko na talagang ganto ang mangyayari. Alam kong maiiwan akong mag-isa. Kaya nga ayaw kong sumama eh. Di rin naman talaga ko bagay sa lugar na toh. Wala rin naman akong hilig sa mga parties. Taong-bahay ako eh.

Oh, asan na ngayon yung ‘di ko naman hahayaang ma-OP ang My Heaven ko’? Wala! Wala na si Liriel. OP na talaga ko ngayon. Alm nyo yung feeling na parang gusto mo na lang kainin ka ng lupa dahil para kang loner na walang kakilala? Ganyan ang nararamdaman ko ngayon.

Pumunta ako sa buffet table at naglagay ng strawberries, breadstick, at stick-o sa isang plate at naglagay ng chocolate mula sa chocolate fountain. Umupo ako sa isang table sa may sulok. Dun sa walang nakakapansin sakin.

“Bwiset na Liriel yan. Sabi nya di daw nya hahayaang ma-OP ako, pero asan sya ngayon?! WALA!” inis na inis kong sabi habang nilalamas yung strawberries sa sobrang asar.

“Kawawa naman yung strawberries.”

“AY PUTAKTE!” Nagulat ako nung may biglang sumulpot sa gilid ko at nagsalita. “Who are you?”

10 Ways to Marry an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon