Part3: Entry # 1

1K 20 2
                                    

SHOCKERS! NAKA-HIGIT 1000 READS NA PALA TOH?! DI AKO MAKAPANIWALA =D

SA LAHAT PO NG NAGBASA KAYA NAKARATING TOH SA 1000 READS, SALAMAT NG MARAMI! SOBRANG SALAMAT! SA TOTOO LANG, MARAMI AKONG PINOPROBLEMA NGAYON PERO DAHIL SA INYO NAWALA PAGOD KO. ANG SAYAAAAAA!! SALAMAT, GUYS. CONTINUE NYO PA YUNG SUPPORT DAHIL THERE'S MORE TO COME SA STORY NILA SOLIL AT LIRIEL. SALAMAT READERS! kahit puro kayo silent XD =D

Part3: Entry # 1

[Nero’s Entry]

“Ano na po ang dapat nating gawin?” tanong agad ng kanang-kamay kong isa sa mga anghel pagkatapos naming masaksihan ang ginawa ni Liriel. Narito kami sa Langit at mula sa kinaroroonan namin ay kitang-kita si Liriel at si Solil.

Umiling ako. “Malapit na ang itinakdang araw. Mamamatay na ang babae. Hindi pa rin kumikilos si Liriel. At sa nakikita ko ngayon, parang wala na syang balak na kumilos.”

“Dahil po iyon sa babaeng ito. Matagal ko na pong napapansing nagiging sagabal ang babaeng iyan sa misyon ni Liriel. At ngayon, nagpahayag na si Liriel ng pag-ibig. Dapat tayong kumilos.”

“Hindi. Wala tayong dapat gawin. Ang itinakda ang mangyayari, isa pa, wala na tayong dahilan para problemahin ang babaeng yan.”

“Ano pong ibig nyong sabihin?”

“Ang kapalaran ang gagawa ng paraan. Nakaguhit na ang kahahantungan nya.”

Sumulyap ako kay Liriel. Masaya sya. Masaya sa piling ng babaeng yon kahit alam nyang mali. Pag-ibig. Napailing na lang ako at umupo ako sa upuan ko. “Tawagin mo si Cay. Sabihin mo sa kanyang gusto ko syang maka-usap ngayon din.”

“Masusunod Nero.” Lumipad paalis ang anghel.

Pagkatapos ng ilang minuto, dumating si Cay.

“Nais mo daw akong maka-usap Nero? Tungkol saan?”

“Lumapit ka.” Lumapit nga sya.

“Narinig ko ang tungkol kay Liriel. Tungkol ba toh sa kanya Nero?”

Umiling ako. “Hindi tungkol kay Liriel. Ngunit maaari mo ring isiping may kinalaman rin sa kanya kahit papaano.” Ngumiti si Cay. Isang makahulugang ngiting ngayon ko lang nakita sa kanya. “Dumating na ang ika-208 mong misyon. Sana’y magtagumpay ka rin dito tulad ng sa mga nakaraan mong misyon.”

Ipinaliwanag ko sa kanya ang misyong inilaan para sa kanya.

[Mikhail Domingo’s Entry]

10 Ways to Marry an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon