Part3: Entry # 8

1K 19 14
                                    

DEDICATED TO YOU DAHIL NAGREQUEST KA SA MAS MAAGANG UD, LATE NGA LANG TOH xD AYUS LANG YAN, BUSY KASI AKO SA SCHOOL. CHAROT! SCRIPT WRITER NA DRAMA KO SA SCHOOL. GAGAWA PA KONG SCRIPT NAMIN PERI INUNA KO TOH xD

Part3: Entry # 8

[Solil Ventura’s Entry]

Ok na ang lahat. Nag-usap na sila Tito, Tita at si Al. Nagpaliwanagan na sila ng kanya-kanyang side. Sabi nila sa kanila na daw ako tumira pero tinanggihan ko. Kinumbinsi na rin ako ni Al pero nagmatigas ako. But I gave her a deal. If she survive the date na sinabi ng doctor na ‘end of it all’ pinangako kong sa kanila na ko titira.

Sana matupad ang deal.

Naglalakad kami ni Liriel ngayon sa park sa labas ng ospital. Umuwi muna sila Tito para kumuha ng damit nila at bumili ng supplies. Si Mikhail muna ang kasama ngayon ni Al sa kwarto nya. EDI SILA NA SWEET! Hamuna, boto naman ako kay Mikhail para sa kapatid ko. =)

“Mag-oovernight ka ba ngayon sa ospital para bantayan ang kapatid mo?” tanong ni Liriel.

“Hah? Ah oo.” Sorry lutang ako. Marami kasi akong iniisip. Isa na dun yung tungkol kay Alex. Liriel said the he came here to take me because I am pert demon, part angel. But why is it only me? Kung kapatid ko si Al, bakit hindi sya pinagtangkaang kunin ni Alex noon? Bakit ako lang?

“The answer’s because her father’s another man. Ang tatay mo ay One-winged Angel, samantalang ang tatay nya ay isang simpleng mortal. Half-sisters lang kayo kumbaga.” Yeah right. He could read my mind, or should I say ‘translate’?

Half man o hindi. Kapatid pa rin yun. Walang nagbago. kapatid ko si Al. Isa ko pang iniisip ay ang pagpapapili sakin ni Liriel.

Ngayon hindi na lang basta ‘best friend or the man I love’ ang choices ko. ‘Sister or the man I love’ na ang pagpipilian ko. Mas lalong humirap.

Ngayon ko mapapatunayan, is blood really thicker than water?

“You’ve already make up your mind, haven’t you?” tanong ulit ni Liriel. Nakasandal sya sa puno ng mangga. Hands on his pockets.

“Hah?” Spell bangag.

“You’ve already chosen between me and Al. I can see it in your eyes. What I cannot see is who you choose,” nakayuko nyang tanong. Then he looks at me straight to my eyes. “So who is it?”

“Do… err… do I really have to choose? I mean, pwede bang ikaw na lang ang mag-decide? I cannot bear choosing between the two of you.” Ang plastic ko. Sa totoo lang, meron na kong napili.

“Spill it out. Sino? I won’t question it, I promise.”

“I don’t know. Ang sakit.” Umiiyak na naman ako. Shet. “Ayokong mamili. Ayokong isa lang ang makasama ko. Selfish na kung selfish pero pareho ko kayong gustong makasama. Bakit ba isa lang? Bullshit.”

10 Ways to Marry an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon