Part2: Entry # 1

1.1K 18 3
                                    

Part2: Entry # 1

[Solil Ventura’s Entry]

Saturday ngayon at syempre walang pasok sa school. Nagluluto ako ngayon ng lunch ko nang biglang tumunog yung phone ko.

1 message received

From: Al

Labas tayo, now na! Nagugutom ako eh. Wala sila Mommy sa bahay, out of town sila ni Daddy. Kita tayo sa KFC sa mall. May sasabihin nga rin pala ko sayo. See ya!

Hay. Si Al talaga, napaka-wrong timing. Kung kelan naman nagluto na ko ng lunch ko tsaka naman nya naisipang mag-lunch sa mall. Susme! Pero walang magagawa, ang best friend ay best friend. Ganyan ang tunay na kaibigan. ^____^

Naligo ako, nagbihis at pumunta sa mall na sinasabi ni Al.

…sa mall…

“Ang tagal mo,” bungad sakin ni Al pagdating ko sa KFC. Umupo ako across her.

“Naligo pa po kaya ako. At tsaka, ikaw! Anong akala mo sakin? PA mo?! Kaibigan mo ko! Meron din akong sariling buhay! Don’t expect me to be there on the spot if you call for me.”

“Tss. Geh na! Sorry na ah! Porket mas matanda ka sakin ng isang taon, kailangan talaga kong sermonan?” =3=

Haha! Ganyan talaga kaming dalawa. Madalas ko syang sermonan at pagsabihan. Daig ko pa nga nanay nyan eh. Feeling ko nga para na nya kong ate at para ko syang little sister.

“Gusto mo bang kumain? I just ordered Krushers habang naghihintay sayo. Gusto mo order din kita?”

“Wag na. Sumubo ako bago umalis sa bahay.”

“Ah. Edi arcade muna tayo. Game?”

“Game!”

At nagpunta nga kami sa arcade sa third floor. Madalas kaming mag-arcade ni Al. Parang bonding naming dalawa yun. Kapag walang ginagawa, magkakaayaan sa mall. Pero sa halip na unahin namin ang pag-sshopping, inuuna namin ang arcade. At unspoken rule na samin na unahin yung hulugan ng coins. Yung maghuhulog ka ng piso tapos kapag nahulog yung mga coins eh makakakuha ka ng tickets.

“Hala! Bakit ayaw mahulog? Ang daya naman ng machine na toh eh!” angal ni Al. Kanina pa kasi nauubos yung coins nya pero ayaw pa ring mahulog yung mga barya sa loob.

“Haha! Ang weak. Akin na nga yan!” Inagaw ko yung mga coins na hawak nya. “Dali! Takpan mo ko!”

“Hah?”

“Basta! Takpan mo ko. Dali!” Tinakpan naman nya ko.

!!---POK---!!

Hinampas ko yung gilid ng machine para maalog at mahulog yung mga coins. Linteek! Bakit ayaw pa ring mahulog?! May daya ata toh eh! Naka-glue siguro yung mga barya! =__________=

10 Ways to Marry an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon