Part1: Entry # 4

1.4K 32 3
                                    


DEDICATED SA AKING MY TEY (OH HA?! MAY "AKING" NA "MY" PA. PAG-AARI KO NA? XD :P) SALAMAT SA LAHAT NG SUPPORT :*

BASAHIN NYO RIN ANG STORY NYA... (HE'S INLOVE WITH MY SISTER) ASTIG YAN! BASAHIN NYO RIN HAH?! NEW STORY PA LANG KAYA SUPPORT PLEASE =)

PARA SA AKING UD, GUYS, PLEASE VOTE || COMMENT || ATBP. ANG WALANG GAWIN MAGKAKAPIGSA SA LOOB NG ILONG... MWAHAHAHHA.. JOKE LANG (LUKA-LUKA LANG TALAGA ANG AUTHOR XD)



Part1: Entry # 4

[Solil Ventura’s Entry]

Nasa school na ko ngayon. Katulad nga ng sabi ni Liriel, 4th year high school na ko. Kaklase ko ang best friend kong si Alanni pati na rin yung tinukoy nya sa text na si Mikhail. Mas matanda ako ng isang taon kay Alanni pero, kwento nya sakin, dahil daw di na sya nag-prep (grade 1 na agad) kaya mas bata sya samin.

Si Mikhail ang president ng student council. Si Al (nickname ni Alanni) ang vice president. Natutukso yang dalawang yan, pero halata namang di interesado si Alanni kay Mikhail.

Di sa pagmamayabang pero Section 1 kami. Sa section na toh pinagtipun-tipon ang mga matatalino. Sa palagay ko, di naman talaga ko matalino, malakas lang ang common sense.  At kapag malakas ang common sense mo madali mong maiintindihan ang mga bagay. At dahil madali mong ma-gets ang mga bagay-bagay, aakalain nilang matalino ka. Ganun lang yung logic nun.

Ang seat plan, nakaupo ako a seat away sa tabing bintana (empty ang upuan sa tabing bintana, sobrang upuan eh), si Al naman nasa kaliwa ko, si Mikhail nasa kaliwa ni Al. Nasa third column kami.

Mahirap sa star section, karamihan sa mga tao dito di lang matalino, sikat din at the same time. Lahat sila magaling sa iba’t ibang bagay. Yung iba sa sayaw (dito nanggagaling karamihan sa cheer dancer), may magaling kumanta, dito rin nanggagaling yung mga staff ng school newspaper. Kapag naman may awarding, asahan mo nang kaklase ko yung mananalo. Nakakapagod na nga minsan yung competition.

Pero I stay invisible. Ayokong nababalingan ng atensyon. At isa pa, I’m not like them. Di ako kasing talino nila, di ako close-to-perfect, di ako multi-talented, di ako likable.

Honestly, mayayabang ang mga tao dito. Mapagmataas lahat. Acting like they know it all. Psh.

Dumating na yung adviser namin na at the same time, first subject teacher din namin. Tumayo lahat at bumati.

“Good morning, Ms. David.”

“Good morning class. Take a seat, please.”

“Thank you, Ms. David.” At umupo nga lahat.

“Guys, we have a new student.” At nagsimula ang bulungan.

“Ano naman pakialam natin sa new student?”

“Onga. Tyak naman di natin magiging kaklase yan.”

“Right you are, girl.” Sabay apir nilang dalawa.

10 Ways to Marry an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon