Part3: Entry # 9

976 19 8
                                    

TRISHA! TINGNAN MO YUNG INEDIT KONG PICTURE. TRYING HARD LANG xD

Part3: Entry # 9

[Solil Ventura’s Entry]

“How will I die?” I ask Cay.

“Accident. You’ll be hit by a bus. I’ll happen next month. December 19, 2012. 8:48 am,” he replies.

I nod. Ganun pala. Masasagasaan ako ng bus sa December 19. At may exact time pa talaga hah. Di ko alam kung maaastigan ako o matatakot. Somehow it’s cool to know how you’ll die. What time? When?

“Don’t be afraid. I’ll never fall in love so you’ll be saved,” he said jokingly.

I fake a smile. Kung ganun pala, wala ring kwenta ang pagpili ko kasi mamamatay din naman ako. Bwiset! Hindi ko na nga makikita kahit kelan si Liriel, tapos isang buwan ko lang makakasama ang kapatid ko. ASAR!

Mamamatay din ako. Bakit pa ko pumili? Nakakagago yan. Wala ring kwenta ang pagpili ko because I will be with neither. Forever alone ako.

==

November 19, 2012 (schedule of Al’s suppose to be death)

I decided not tell anyone that I’ll die next month. Why tell? Mabubuhay ba ko kapag sinabi ko?

Nasa ospital kamig lahat. Si Tito at Tita, Liriel, Mikhail at ako. Nanonood kami ng A Walk to Remember. Mamamatay din yung bida dyan. Nice di ba? Masigla si Al kung titingnan. Siguro kung hindi namin alam na ngayon sya mamamatay, baka magulat na lang kami dito pag bigla yang mangisay dyan. Sobrang sigla nya.

Then it happens. Bigla na lang huminga si Al ng malalim at napahiga sa kama. Hindi alam nila Tito na ngayon sya dapat mamamatay kaya sila ang pinakanagpa-panic. Kaming tatlo nila Liriel cool lang. We perfectly know she’ll live.

Dinala na sya sa ICU. Bawal nang pumasok ang kahit sino doon.

Naghihintay lang kaming lahat sa labas. Sila Tito nakasilip sa glass window ng ICU habang inoobserbahan si Al ng mga doctor. Sabi nila kapag na-ICU daw ang isang pasyente, maliit na lang ang tsansya nyang mabuhay, pero alam kong mabubuhay si Al.

“Samahan mo ko,” bulong sakin ni Liriel. Hinila nya ko sa pulso. “Ikaw na munang bahala dyang dre,” he said to Mikhail at tunapik ang balikat nito.

“Saan tayo pupunta?”

Hinila lang nya ko. He didn’t even say a word. Walang paliwanag bigla na lang nya kong kinaladkad. Lumabas kami ng ospital at lumakad papunta sa bakanteng lote kung saan ko sya unang nakita.

“Anong ginagawa natin dito?”

“I came on earth from here, this is also where I should disappear.”

10 Ways to Marry an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon