Part2: Entry # 6

1.1K 14 2
                                    


DEDICATED TO essiralc BECAUSE YOUR COMMENT ON MY PREVIOUS UD MADE MY DAY! *nosebleed* tissue nga!

Part2: Entry # 6

[Mikhail Domingo’s Entry]

Umalis na lahat ng officers, kami na lang ni Al ang natitira. Nasa labas na kami ng campus at papauwi na. 8:30 pm. Nakita kong lalakad na agad palayo si Al nang hindi man lang nagpapaalam. Pinigilan ko sya sa braso. Napahinto sya at napatingin sa kamay ko.

“A-ah… sorry.” Binitawan ko sya. “P-pwede ba tayong m-mag-usap?” Leche! Bet ba ko nag-s stutter? Nung nagtapat ako walang kakaba-kaba, pero ngayon kumakabog ang dibdib ko. Di ko lang kasi matagalang di kami nagpapansinan. I can’t stand not being with her.

“Kung tungkol sa kagabi, sorry talaga,” nakayuko nyang sabi. “Ayaw kitang saktan pero gusto ko talaga si Liriel. Kahit hindi mutual yung feeling, alam kong maling paasahin kita.”

Napayuko na lang rin ako habang hawak ko ang braso nya. “I’m sorry. Sorry din kung ginulo pa kita. P-pasensya na kung inamin ko sayo yung nararamdaman ko. A-alam ko naman di mo ko gusto pero I confessed anyway. Sorry.”

She shakes her head. “No. Walang mali sa pagtatapat. Hindi lang siguro ngayon yung tamang panahon.”

Bigla na lang tumulo ang luha ko. Pakshet! So gay! bakit ba ko naiiyak. Dahil lang sa isang babae para kong bading na umiiyak ngayon? Son of a –!!

“Sabi na eh. Sabi ko na nga ba dapat di ko muna sinabi.” I tried to laugh. Unsuccessful. “Ang tanga ko lang talaga. Alam ko naman sa simula pa lang na hindi uubra eh. Ang tanga ko! TANGA! TANGA!” Pinupok ko yung ulo ko. Ayaw tumigil ng pagtulo ng luha ko.

“Mikhail, I’m sorry. I’m sorry! MIKHAIL! I’M SORRY! STOP IT! I’M SORRY, OK?! TAMA NA! SHUSH! TUMIGIL KA NGA, MIKHAIL! MIKHAIL!” Pilit nya kong pinipigilan pero I’m too strong for her. Umiiyak na rin sya ngayon.

“AL, MAHAL KASI KITA EH! I’M NOT BEGGING FOR YOU TO LOVE ME TOO! HINDI AKO LUMILIMOS NG PAGMAMAHAL, ANG SAKIT LANG! ANG SAKIT LANG PALANG MALAMANG WALA AKONG PAG-ASA!” Hinigpitan ko ang hawak sa braso nya.

“Aray! Mikhail, masakit! Aray! Mikhail, sorry kung nahihirapan ka dahil sakin! Hindi ko naman ginusto toh eh. Di ko rin alam, pero gusto ko talaga si Liriel. Sorry!” Napatakip na lang sya ng mukha at umiyak ng sobrang lakas. “Ayaw kitang saktan. PAKINSHET! Bakit ba ang komplikado ng lahat?!”

Tumawa ako. Nababaliw na ata ako. Sinong matinong tao ang tatawa habang umiiyak. “Pakinshet talaga! PAKINSHET! Wahahahahaha… Hindi ako mahal ng taong mahal ko! Ang saya di ba?! WOOHOO!! Daig ko pa nanalo sa lotto!” Ewan ko ba. I’m just uncontrollable. Hindi ko makontrol ang sarili ko.

“I’m sorry. If I can only teach my heart to love you, matagal ko na ginawa pero –”

“Pero di natuturuan ang puso. I know! Ang saklap di ba?! NGANGA! LOSER! I’M SUCH A LOSER!” Nag-loser sign pa ko at tinapat sa noo ko. Parang baliw lang. Ewan! Ako na ata ang pinaka-weird na na-brokenhearted. Kung yung iba halos pumatay dahil sawi sa pag-ibig, ako naman eto, nagwawala na parang lasing.

10 Ways to Marry an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon