Part1: Entry # 6

1.3K 24 6
                                    

Part1: Entry # 6

[Solil Ventura’s Entry]

Nasa loob pa rin ako ng classroom. Ako na lang mag-isa ang nasa loob. Si Liriel nakatambay sa labas, sa may corridor. Kanina ko pa pinpa-unang unuwi yan eh. Ayaw. Sabay daw kami. Peste! =_____=

Tumingin ako sa relo ko. 6:00 pm. Aisshh! Bakit ba ang tagal nila Al at Mikhail. Pinatawag kasi kanina lahat ng officers or Student Council (SC), at dahil president si Mikhail at si Al ang vice, eh syempre kasali sila sa mga pinatawag.

Ano bang pinag-mmeetingan nila? For all I care baka isang batas na naman yun na dagdag pahirap sa mga estudyante. Hay. Buhay nga naman, parang life.

May narinig naman aakong halakhakan mula sa labas. Tumingin ako pero mag-isa lang naman si Liriel sa labas. Pero maya-maya lang may lumapit sa kanyang isang grupo ng mga lalaki. EY! Yan yung grupo ng mga bully sa school ah. Lahat sila 4th year. Pero ano naman ginagawa ng mga yan dito?

“Look who’s here. The transferee,” sabi nung isa.

“Oo nga noh. Boss, sya po yung sumisikat ngayon na transferee. Bukod kasi sa Section 1 agad ang punta nya, eh sobrang genius daw nyan at sikat sa mga girls sa school. Balita ko nga boss eh crush yan ni Sarah.”

Sikat sa mga girls? WAW! Ang OA hah! Eh di naman kagwapuhan yang mokong na yan ah! Bakit sikat agad? Agad agad? BTW, ang tinutukoy nung gorilla na yun na Sarah ay ang… EHEM EHEM

Si Sarah po ang pinakasikat na girl sa school. Nasa Section 1 din sya, meaning kaklase ko. Matalino, maganda, SOBRA! Mayaman din. May-ari ang family nila ng isang SIKAT NA SIKAT na hotel and resort sa Boracay. Magaling sumayaw, sya ang cheer captain namin sa cheering. Magaling din kumanta yan, nilalaban sa competitions. Kaya lang, sabi nga nila, lahat ng tao may kapintasan, at ang kay Sarah ay ang ugali nya. ISA SYANG DEMONYO este DEMONYA!

War freak. At kapag ginusto nya, kailangan mapasakanya, dahil kung hindi, umpisahan mo nang buuin ulit ang KKK. Aklasan na! Spoiled brat, mean, cruel, rude and evil. Prangka na wala sa lugar. Maingay at mapagmataas. Nang-aapi, nang-aaway, nananapak ng tao. In short, MALANDI SYA! >______<

Pinagkakaguluhan ng halos lahat ng boys dito sa school yun. AY! Mali yung word, dapat pala pinagnanasahan. Ang mga girls naman, halos lahat gustong mapalapit sa kanya. Cool ka daw kasi kapag friends kayo. SUS! UTUT NYO! Kalbuhin ko pa yung bruhang yun eh! =P

Nagsalita naman yung leader nila, yung tinawag nung isang Boss. “Ah. I see. Sya pala yun. Tss. Eh mukha namang walang panama toh satin eh. Parang bakla. Mukhang lampa. Hoy,” tinulak nya sa balikat si Liriel, “bakla ka ba?”

Nagtawanan naman yung mga kasama nya. May nakakatawa ba? =_________=

“Hindi,” simpleng sagot ni Liriel. “Are you?”

Nice! Nakahanap ka ngayon ng katapat mo! Haha!

“Teka. Anong sabi mo?! Narinig nyo ba sinabi nito?! Ano raw?! HOY! ANONG SABI MO?!” galit na sigaw nung Boss.

10 Ways to Marry an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon