Part2: Entry # 2
[Solil Ventura’s Entry]
“Iha?” Bigla na lang may humawak sa braso ko. Isang matandang babae. “Sandy, ikaw ba yan?”
“Po?” Pilit kong inalis yung pagkakahawak nya sa braso ko, pero mahigpit yung pagkakahawak nya.
“Hindi mo na ba ko naaalala?”
“Ho?” Pilit ko pa ring inalis yung pagkakahawak nya sa braso ko, pero wala talaga. Masyadong mahigpit. “Ale, pwede nyo na po ba kong bitawan?”
“Ikaw yan, Sandy, hindi ba?” nakangiting tanong nung matanda.
“Bitiwan nyo po ako.” Inalis ko yung kamay nya and at last, nagtgumpay din ako. Sa totoo lang, kilala ko ang matandang toh. Naaalala ko yung mukha nya. Natatandaan ko pa sya. Pero di ako sigurado sa pangalan ng matanda. Her face is familiar though.
“Sandy? Nako!” Hinimas himas nya yung mukha ko. “Ang laki mo na! Ano na bang nangyari sayo? Dyos ko! Mukhang mabuti naman ang kalagayan mo ngayon. Salamat sa Dyos! Ano, kamusta ka na, iha? Ilnag taon din kitang di nakita. Alam mo bang hinanap ka namin?”
“Ah, lola, pasensya na po pero hindi po ako si Sandy. Hindi ko po kayo kilala. Sige po, alis na ko.” Hinawi ko yung kamay nya sa mukha ko.
Ako si Sandy. Kilala ko yung matanda. Pero ayoko ng balikan ang nakaraan. I’m done. Hindi ko na babalikan ang mga nangyari noon. Binaon ko na lahat ng nangyari sakin noon. I’m living the present. Wala na kong kilalang Sandy. Hindi na ako yun.
Kinalimutan ko na lahat yan at pinangakong di ko na babalikan kailan man.
Maglalakad n asana ko palayo nang biglang magsalita ang matanda. Ang mga sinabi nya, ikinabigla ko kaya’t napahinto ako.
“Nagkita na ba kayo ng kapatid mo?”
Nilingon ko sya. “Po?”
“Si Sofia, yung kapatid mo. Nagkita na ba kayo?”
[Liriel’s Entry]
Malayo pa ko sa pintuan ng bar ay rinig na rinig ko na ang tugtog. Napakalakas. Nakakabulabog. Pero walang nakatayong establishment sa lugar na toh bukod sa bar kaya siguro walang pakundangan kung makapagingay sila.
Pumasok ako sa loob at parang nagising ang utak ko sa sobrang tindi ng amoy ng alak. Maraming nagsasayaw sa saliw ng malaswang tugtog.
BINABASA MO ANG
10 Ways to Marry an Angel
Mystery / ThrillerThis is a story of an angel who fell in love with a mortal. A story of a girl who lived her boring life alone until an angel decided to stay with her. A story of a choice between family and love. A story of a love you can only have if you are immort...