Chapter 9

143 11 0
                                    

Chapter 9

Curiosity Killed Her Pride


IRIS

The Wattpad Girls' battlefield is a website known across the entire world called Wattpad, a beloved place for writers hiding behind the screens and scattering their endless words on this platform. Fighting against the Antis to prove that love exists can waver the world of Wattpad between choosing the existence of love or proving its fictionality just like the stories living inside this website.

Lahat ng Wattpad Academy students ay required na may Wattpad account (obviously), kung wala man silang nagawa ay kailangan pa rin nila mag-create ng bagong account dahil may mga activities at proyekto na sa Wattpad lang nila magagawa.

Kailangan naka-registered ito sa Wattpad Learning Program para madali sila ma-track down ng kanilang mga professor sa Wattpad Academy. They can name their usernames any way they want (as long as it's appropriate) at dapat nakikita ang kanilang full name, student number, section, at school year sa kanilang profile.

"Ma'am!" Tinaas ni Miles ang kanyang kamay. Sumenyas si Professor Paige sa kanya na tumayo at magsalita. "Ano po ipapalit ninyo na main genre kapag nawala na po ang Romance?" Nakangisi nitong tanong bago siya umupo.

"Pinaupo ba kita, Mr. Rosenberg?" Naka-angat ang kilay ni Professor Paige nang tinanong ito kay Miles. Napawi ang ngisi ni Miles at agad itong tumayo nang diretso. Nagpatuloy ang kanilang professor at hinayaan niyang nakatayo si Miles.

"It's out of my hands and responsibility, Mr. Rosenberg. Titser niyo lang ako sa Romance subject ninyo." Sa kaklase ko ay iniisip lang nila na wala lang akong masabi tungkol sa isyu na 'yon, subalit, napansin ko na hindi masaya ang amin professor sa balitang iyon dahil kapag nawala ang genre na ito, hindi lang ang estudyante ng Romance ang mawawalan ng posisyon sa Wattpad Academy, pati na rin ang amin mga professor sa Romance. "As I was saying, nandito ako para pag-usapan ang pinakahinihintay ninyo."

Naghiyawan ang mga kaklase ko habang napapangiti sa amin si Professor Paige. She cleared her throat at agad na tumahimik sila.

"Alam niyo na ang tradisyon ng Wattpad Academy ay pipili ang inyong mga professor kung sino ang mga qualified sa Wattpad Contest sa bawat section ninyo." Pagpapaliwanag ni Professor Paige.

Napabaling ako sa direksyon ng hilera nina Brent, nagtama ang amin mata at agad na umiwas siya ng tingin sa akin. Nagpatuloy lang ako sa pakikinig. "Ngayon, iniba na. Lahat makakasali sa Wattpad Contest at in-e-encourage lahat na makipagpasiklaban, kahit amateur o professional writer man kayo dahil para na rin ito sa grade ninyo sa finals."

"Like in our tradition, kailangan may mga Wattpad Representatives na mapipili sa first preliminaries. Usually, ako ang pipili sa inyo kung sino-sino ang makikipagpasiklaban sa ibang mga representatives ng first years, third years, at fourth years. Pero maiiba na ito." Napansin ko na naguguluhan ang mga ekspresyon ng kaklase ko.

"But there's a catch." Pumeywang si Professor Paige. "Noon pa man, you were all free to write stories whenever you want before the deadline. Ngayon, may deadline ang bawat update ninyo. Hindi kayo pwede mag-update more than a week."

Nagulat lahat ang mga kaklase ko maliban lang sa akin dahil hindi ko naman alam kung ano ang tradisyon ng Wattpad Academy.

"What?!"

"Hala! Bakit binago po, ma'am?"

"Paano po kapag na-writer's block kami?"

Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon