Chapter 19
The Rumor
STEPHANIE
"What is the most important part of the story?" Tanong ni Professor Paige sa amin klase.
"Genre!"
"Plot twist!"
"Theme!"
"Writing style!"
"The message behind it!"
Marami pa sa kanila ang sumagot sa tanong ng amin professor, maliban lang sa amin mga Wattpad Girls at Antis na nagpapalitan lang ng masasamang tingin sa isa't-isa dahil alam namin kapag may sumagot na isa sa kanila o sa amin, magkakaroon na naman ng mahaba at walang katapusan na debate.
"All of it is correct." Sabi ni Professor Paige matapos sumagot ang mga nagtaasan ng kamay. "But there is something more important than the rules that the story abides to. Bilang isang manunulat, ang mga nabanggit ninyo ay mga istruktura ng isang kwento, at mayroon mga nagtatayong pundasyon ng bawat kwento na nababasa ng mga readers."
Humarap si Professor Paige sa kanyang klase habang nakahalukipkip ito. "Alam niyo ba kung ano ito?"
Napansin ko na tinaas ni Iris ang kanyang kamay sa dulo ng amin hilera. "Yes, Ms. Peregrin." Sumenyas si Professor Paige na tumayo siya at sinundan niya ito.
"Imagination. Creativity. Individuality. The pain of an artist writing their craft. The ink printed on books consists of the blood, sweat, and tears of a writer, the words they wrote having its own purpose, the pain, experience, and acceptance they had gone through in their life." Napansin ko na nakakuyom ang kamay at panga ni Iris habang nagsasalita ito, mukhang may ibang iniisip ito habang nakatayo siya. "Most of all, the most important above those I had mentioned are its readers—without readers, there wouldn't be a story. It's what makes a story feel complete where it will live on to someone else's soul and heart in a lifetime."
"Well said, Ms. Peregrin." Nasilayan ko ang mga nagsimangutan na mga mukha mula sa side ng mga Antis, maliban ang isa sa kanila, si Jax Alford na hindi nakikinig sa klase at nagbabasa lang ng libro.
Pumalakpak ang mga kaklase ko sa sagot ni Iris mula sa Romance maliban lang sa ibang genre, napapangiti ako sa bakas ng irita mula sa mga expresyon ng mga lider ng Antis. Tumigil kami sa pagpalakpakan nang sumenyas ulit si Professor Paige sa amin na itigil iyon.
Napapahanga ako sa mga salita ni Iris. Hindi ko maiwasan na makaramdan ng konting inggit sa kanya dahil nagagawa niyang sabihin ang gusto niyang iparating sa ibang tao, totoo siya sa kanyang damdamin at malawak siyang mag-isip.
May maipagmamalaki nga ako, nagkaroon na ako ng dalawang published books, subalit hindi pa rin ako nakuntento sa akin ginawang mga katha. Tinitingalaan si Iris bilang isang Voice of Love.
Her words have treasure inside each and every syllable, ang bawat mabibigat na salita ni Iris ang dahilan kung bakit napapahanga kaming lahat sa kanya, subalit tinitingalaan lang ako dahil anak ako ng may-ari ng eskwelahan at mayaman ang amin pamilya, hindi dahil sa akin kakayahan at talento bilang isang manunulat.
Nakakapanghinayang para sa akin dahil gusto kong makilala ako ng mundo bilang mahusay na Romance writer, hindi dahil sa akin yaman at pangalan.
"Don't try to be one of those Trashy Stories just because it's famous. Remember, trash attracts flies." Napalunok ako sa sinabi ng akin professor. Hindi naman siya nakatingin sa akin noong sinabi niya ito pero kinakabahan pa rin ako. "Trashy Stories are stories filled with cliché scenes, banal overwritten characters, and a story, itself, made of poison in the mind."
BINABASA MO ANG
Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)
Teen FictionYou can tell a lot about a person by how their stories were written and made. *** Si Iris Euphony Peregrin ang isa sa mga Romance writers na nangangarap maging author sa Wattpad. Noong lumipat siya sa Wattpad Academy, nakilala niya ang Wattpad Girls...