Chapter 21

116 8 0
                                    

Chapter 21

The Arranged Marriage


WREN

Tuwing biyernes ng gabi hanggang linggo, iyon ang mga araw na bumabalik ako sa mansyon namin ni Miles na ipinamana ng magulang namin. Nakahiga ako sa sofa habang nagtatype ako sa MacBook ko na nakalatag sa ibabaw ng tiyan ko. In-a-update ko ang panibagong kabanata sa kwento ko sa Wattpad. Mabilis ang pagtatype ko at tuloy-tuloy ang daloy ng mga salita na binubuo ko para matapos ang kabanata.

I have to make sure my word count reaches the limit I made on every chapter. Kapag masyadong mahaba, mabobored lang ang reader, kapag sobrang ikli naman nakakabitin. Nilalagay ko ito sa katamtaman na bilang, eksakto lang para sa nararapat na scenes at tinatanggal ang mga hindi kailangan.

But I think no matter what you write, if readers love it, babalik-balikan pa rin nila ito. So in the end, it really doesn't matter how many word count I publish a day just as long as I'm satisfied with my chapter.

"Asawa ko." Nagulat ako nang may bumulong sa akin. Napahinto ako sa pagtatype.

May nararamdaman akong demonyong presensya. Agad na sinave ko ang gawa ko at binaba ang laptop sa coffee table. Bumungad sa pagitan ng hita ko ang tumataginting na gwapong ngiti ni Miles Trevor Rosenberg.

"Kailan honeymoon natin, asawa ko? Ilan taon na tayo hindi pa nakakapag-honeymoon." Pinatong ni Miles ang kanyang pisngi sa tuhod ko habang nakapout ito.

"Fuck you." Sinipa ko siya palayo sa akin. Subalit, nanlaki ang mata ko nang hinablot niya ang magkabilang binti ko at nakangisi siya nang ibinukaka niya ito. Naka-jumper shorts pa naman ako!

"Excited much, baby?" He chuckled. "Punta tayo sa kwarto! O gusto mo gawin na natin dito?" Kinagat ni Miles ang tuhod ko hanggang sa napaatras ako sa kanya at napangiwi sa sakit. Umupo ako nang maayos sa dulo ng sofa habang hinihimas ang kagat niya. Parang bampira kung umasta ang gago!

"Kapal ng mukha mo!" Sigaw ko habang pinapahid ang namamasang parte na kinagat ni Miles. Nagbakat pa ang kagat nito at namumula ang marka niya sa balat ko.

"Alam mo kung ano pa ang makapal sa akin?" Tanong ni Miles na may mapanlokong ngiti.

Tinulak ko siya palayo gamit ng paa ko. "Tigil-tigilan mo ako, Miles Trevor Rosenberg! Hinding-hindi mangyayari ang gusto mo!"

"Wifey naman, mali ba na lambingin kita?" Yumuko si Miles at hinalikan ang binti ko.

Inatras ko ang akin paa at inayos ang pagkakaupo ko para hindi na ako ma-ambush pa ng mga halik at kagat ni Miles. "Kahit kailan hindi ako mahuhulog sa mga baduy mong pabanat, Miles."

"Hala, ang cold naman ng wifey ko." Nagpout siya sa akin.

"Stop playing your games, Miles!" Sinamaan ko siya ng tingin. "'Wag mo kong tawagin na 'wifey'. Itigil mo na 'yan, Miles."

"Bakit? Hindi ba totoo?" Ngumisi siya.

"Hindi tayo pumunta rito para gumawa ng milagro!"

May kontrata sila, ang Arrange Marriage, na itinakda ng magulang namin ni Miles para sa pagmemerge ng kanilang business company. Bago pa kami nagkolehiyo ay kasal na ni Miles nang patago, ang pamilya lang namin ang umattend ng kasal. Tinatago lang namin ang relationship status sa campus dahil artista si Miles sa Sakura Blossom Studio.

Lilipat na ngayon si Miles sa Franklin Film Production Co., kaya mas lalo magiging strikto ang magulang namin sa amin dalawa dahil kapag nalaman ng press na may asawa na si Miles, baka masira ang kontrata niya sa paglipat ng ibang film industry. Sino ba naman ang magugustuhan ang artista na eighteen years old pa lang may asawa na? Makakasira ito sa kanyang reputasyon.

Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon