Chapter 71

182 10 0
                                    

Chapter 71

His Lesson


WREN

I pushed Miles away from his kiss. This is wrong. I'm a Wattpad Girl. I'm not supposed to fall in love and kiss an Anti. It's not supposed to end this way. It never does.

"What's wrong, my wife?" Nag-aalala niyang tanong. Tinitigan ako ni Miles mula sa kanyang mapupungay na mata habang namamasa ang kanyang labi.

"Mali itong ginagawa natin, Miles." Umiling-iling ako sa kanya habang kinakagat nito ang ibabang parte ng kanyang labi. "Mahal ko ang kaibigan ko. Mahal ko ang pasyon ko. Alam kong masakit isakripisyo ang pagmamahal ko para sa kaibigan ko at sa pangarap ko, pero kailangan kong pangunahin ang pinaglalaban namin."

"Pero Wren—" Hahawakan sana ako ni Miles sa pisngi nang tinabig ko ang kamay nito.

Tumingin ako nang diretso sa kanya habang nangangatal ang labi ko dahil dahan-dahan na akong sasabog mula sa ibinitaw kong mga salita.

"Miles, you're still part of the Anti-Love Society Writers. Magkalaban tayo. Walang mas hihigit pa sa pagitan natin. The kiss meant nothing. The moment we had in the pool meant nothing."

Nagbago ang ekspresyon ni Miles nang nagtiim ang kanyang panga. Masakit na makita siyang ganito na may namumuong luha sa mga mata niya habang pinipigilan niya itong makawala sa harap ko, ang babae na nagpawasak ng kanyang puso. Kailangan kong sabihin ito. Kailangan kong gawin ito para sa ikabubuti namin dalawa.

The more Miles tries to come through me, the more I need to push him away.

"I'm sorry, Miles. I can't risk every Romance writers dream and sacrifice it to become selfish in love." Napatakip ako sa akin bibig para itakpan ang pangangatal ng labi ko habang nagsasalita ako. "I have to go. Pagkauwi natin sa mansyon, I'll tell my parents we're getting divorced."

"Please, Wren..." Kumapit si Miles sa akin kamay. He leaned closer to my face and I felt his warm breath fanning through my cheeks.

"Ipaglaban mo ako, ipaglalaban kita." Miles whispered, it almost sounded like he was pleading.

Nagpatatag ako kahit nangangatog na ang katawan ko para pigilan lang ang akin sarili na ibigay ang sarili ko sa harap ng lalaking nagmamakaawa sa akin ngayon.

"Kalimutan mo ang nangyari sa pagitan natin at sigurado akong mas ikabubuti rin ng inyong organisasyon na hindi makipag-ugnayan sa amin mga Wattpad Girls."

Bago pa makasagot si Miles, pumiglas ako at iniwan ko siya sa kanyang kinatatayuan.

---


DAISY

Wala si Iris sa dorm room namin, pero nag-iwan siya ng note para sa akin sa pinto. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat.

May pupuntahan lang ako. Don't worry about me. May kailangan lang akong gawin. — Iris

Saan kaya pumunta 'yon? May nangyari kaya sa kanya sa booth namin? Napapaisip na lang ako sa kalagayan ni Iris. Hindi ako mapakale sa pag-alala sa akin kaibigan.

Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon