Chapter 36
Truth or Dare
NOELLE
Pinuntahan namin si Wren sa likod ng stage. Kumatok muna kami sa dressing room bago kami pumasok sa loob. Napansin ko na nasa kabilang panig si Miles at kausap ang mga Antis habang may hawak itong libro. Tinitigan ko ito nang mabuti hanggang sa mabasa ko ang pamagat sa backbone ng libro.
Fairytale Affair? Nagbabasa siya ng libro ni Wren?
Sinalubong nina Daisy, Iris, at Stephanie si Wren ng may yakap at ngiti, maliban lang sa akin na nakatingin lang sa kanila mula sa madilim na sulok.
"Congratulations, Wren! I'm so proud of our girl!" Nakayakap na bati sa kanya ni Daisy.
"I'm so happy for you, Wren!" Nakipagbeso si Stephanie sa pisngi ni Wren.
"Congrats! Manlilibre ka ba ng pagkain?" Tanong ni Iris habang naka-akbay kay Wren.
Hindi ko magawang pansinin si Wren. Masama ba akong tao kapag nakakaramdam ako ng selos? Masama ba akong tao kapag humigit pa ang nararamdaman ko sa akin crush kaysa sa kaibigan ko? Masama ba ako kung mas pipiliin ko pa si Miles?
"Oo naman! Tara! Kain na tayo sa Gloomybee!" Masayang tugon ni Wren, nabigla ako nang lumapit sa akin si Wren. "Bakit ang lungkot mo diyan? Punta na lang tayo sa Gloomybee! Sa Gloomybee, bida ang lungkot!" Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako patabi sa kanya.
Sabay nagtawanan sila habang ako naman ay nag-aalinlangan na ngumiti. Magkasabay kaming naglalakad papunta sa Food Grounds. Nakarating kami sa Gloomybee at pumila sa tapat ng counter.
Maraming napapatingin kay Wren dahil glamorosa pa tingnan ang mukha niya na may make-up pa at ang maikling buhok niya na may mga glitters at accessories, kahit naka-simpleng white shirt, faded skinny jeans, at van shoes ang suot ni Wren, nakaka-agaw pa rin siya ng atensyon sa paligid namin.
"Ano order niyo?" Nagsiksikan kami sa tabi ni Wren habang tinuturo ang kanilang order.
"Isang Yak burger tsaka Ice Float." May inabot kay Daisy na baso na may laman ng tubig at ice, literal na 'ice float' nga.
"Isang bucket ng Gloomy chicken para sa pagod na estudyante." Halos mag-superman na si Iris sa counter para makakuha lang ng chicken. Ang lakas naman ng loob niya magpalibre ng isang bucket ng chicken!
"Kahit Rambutan pie na lang ako. Diet ako, eh." Natatawang sabi ni Stephanie habang hinahaplos ang kanyang wavy hair.
"Edi hindi ka pala tao? Baka balyena ka na nagpapangggap na tao?" Sarkastik na pagbibiro ni Iris kay Stephanie.
"Respeto sa nagdadiet, ah!" Pabalik na biro naman ni Stephanie kay Iris.
"Noelle, ano gusto mo?" Natatawang tanong ni Wren sa akin.
Miles. Iyan ang unang pumasok sa isipan ko. Gusto kong sampalin ang sarili kong mukha dahil sa nangyayari sa akin ngayon, hanggang sa mapansin kong nakatagilid ang ulo ni Wren habang pinagmamasdan ako na nakangiti.
"'Wag mong sabihin lalaki, hindi ako nagbibigay ng basura dito." Sabi ni Wren, napahalakhak naman ang tatlo sa sinabi niya. "Siyempre, joke lang 'yon. Alam kong may matitino rin sa kanila." Bumaling siya sa direksyon ng Antis pagkasabi niya nito. Sino kaya tinutukoy niya roon?
"Hindi ako nagugutom. May naalala lang pala ako, may gagawin pa pala ko." Napawi ang ngiti nila sa sinabi ko. Yeah, I lied.
"Ahh, sige, iiwanan pa rin kita ng pagkain sa dorm room natin." Tumango-tango lang ako kay Wren bago na akong tuluyan lumabas ng Gloomybee.
BINABASA MO ANG
Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)
Teen FictionYou can tell a lot about a person by how their stories were written and made. *** Si Iris Euphony Peregrin ang isa sa mga Romance writers na nangangarap maging author sa Wattpad. Noong lumipat siya sa Wattpad Academy, nakilala niya ang Wattpad Girls...