Chapter 25

106 7 0
                                    

Chapter 25

The Sweet Favor


IRIS

Kinaumagahan ng amin klase sa ibang subject, hinahanda namin ang amin sarili sa paparating na quiz. May mga nagbabasa ng kani-kanilang mga reviewer habang ako naman ay nakatutok sa akin phone at nagbabasa ng Wattpad story.

Nahihirapan pa rin ako magbasa hanggang ngayon, pakiramdam ko na lumulutang kaagad isipan ko at nawawala ako sa pokus, ngunit patuloy pa rin ako sa pagpupursigido na magbasa. I practiced on reading through Wattpad stories at malaki ang natulong nito sa akin. Ngayon, natuto akong magbasa dahil dito.

Napansin ko na nag-iba ang mood ngayon araw ang mga Wattpad Girls. Walang naimik ni isa sa kanilang apat at may nararamdaman akong lamig mula sa kanilang ekspresyon habang nag-iisip sila nang malalim. Sa buong weekend ko, wala akong ginawa kung 'di magbasa ng mga Wattpad stories at magsulat nang magsulat ng bagong update ng kabanata.

Damn. I love to read and write on Wattpad.

Nagtataka ako kung bakit ngayon ang tatahimik na nila kung sila kadalasan ang nag-iingay sa kanilang grupo. Dapat ba ako magtanong o hayaan ko lang sila magreview ng kanilang notes?

"Ano nangyari sa inyo? Bakit ang tahimik ninyo?" Nag-aalala kong tanong sa apat.

"Uhh . . . wala naman. Nabitin lang ako siguro sa weekend." Tugon ni Noelle na hindi nalingon sa akin, nakatuon lang sa kanyang nirereview habang namumula ang mukha niya.

"Kailangan ko pa ng time maka-move on kay Theodore." Malumanay na sagot ni Daisy.

"Nasira buong weekend ko." Inis na sagot ni Wren na tila may 'di kaaya-ayang memorya ang sumapi sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Nairita lang ako sa aso namin sa mansyon." Sumimangot si Wren.

"Nagkaroon ako ng problema. May bago akong bodyguard, mas gusto ko pa 'yong dati kong bodyguard, mas mabait kasi 'yon kaysa sa bago kong bodyguard." Nanlulumong tugon ni Stephanie.

Pakiramdam ko na may tinatago sila na hindi nila magawang sabihin sa akin. Kung tutuusin, kahit ako naman ay hindi magawang sabihin sa kanila ang lahat na nangyari sa rehearsal ko sa Theater Club, mas lalo na ang paghawak ko sa abs ni Baxter, baka mapagkamalaan pa akong manyak.

Paano ko ba masasabi sa kanila na ang isang kambal ay dikit nang dikit sa akin habang 'yong isa naman ay palagi ako pinagtutulak palayo sa kanya?

Mukhang makakaistorbo lang ako sa kanila kung nagtanong pa ako kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ng Wattpad story mula sa phone ko.

Matapos ng amin mala-digmaan na quiz kung saan lahat kami ay nakapasa, naglakad kami palabas ng classroom nang makasalubong namin si Baxter na nakatayo sa labas ng classroom.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nang lumapit sa akin si Baxter.

Lumapit siya sa tainga ko at bumulong ito. "Iris, may pabor ako hihingi sa'yo, okay lang ba?" Nako. Kung ano man pabor na 'yan, walang magagawa si Baxter na makakapayag sa akin.

"Mauna na kayo." Sabi ko sa apat bago ako hinila si Baxter palayo sa mga nagkukumpulang mga tao sa hallway. Dinala ako ni Baxter sa sulok ng hallway para makausap ako.

"Anong klaseng pabor? Magtatago ba tayo ng bankay?" Tanong ko. Nagkasalubong ang kilay ni Baxter.

"I'm serious, Iris." Lumingon-lingon siya sa paligid na para bang may gusto siyang iwasan. Lumapit pa siya sa akin para bumulong ito. "Uhm, can we talk in private?"

Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon