Chapter 20

64 8 0
                                    

Chapter 20

The New Bodyguard


STEPHANIE

Humiwalay ako sa mga kasama ko at nilapitan ko si Jax Alford sa bintana ng kanyang matte black Lamborghini. Pinagmasdan ko si Jax, may naaninag akong black rose tattoo sa gilid ng kanyang leeg. Nanggaling ba talaga siya sa mafia? Ang hirap paniwalaan na ang nilalang na ito na nagsusulat sa Wattpad ay isang mafia. Napamulat ang isang mata ni Jax Alford at lumingon ito sa direksyon ko.

"Stop staring at me. Go away." Pinikit niya muli ang kanyang mata.

"Naiwan mo ang libro mo." I forced a smile, sabay inabot ang The Shining na libro sa kanya. Minulat ni Jax ang mata niya at kinuha ang libro sa kamay ko.

"Ms. Stephanie Maria Hamilton," lumabas ang ngisi sa kanyang namumulang labi. "What would you do if a murderer is on the loose and tries to kill you?" Natigilan ako at sinalubong ko siya ng tingin na nanlaki ang mata.

Hindi ko maiwasan na maakit sa kanya. His dark, brooding personality, his all black outfit, the black rose tattoo around his neck, and the piercings on his earlobe, everything about him screams bad boy, gangster, mafia, or whatever Wattpad Girls call them these days.

"I won't run away, if I kept running, the murderer will just keep chasing me, but if I fought back and stood against the murderer, I will fight for my life." Diretsa kong sagot.

"That's exactly why you're going to die in The Shining." Napasimangot ako sa kanyang sinabi, ngumisi lang sa akin si Jax. "The love that you believe in is a mindless murderer. It chooses its victims that suits their desires. Regardless if you love them back or not, love will cut you down until there is nothing left of you."

"Are we having another debate? Nakakasawa na." I rolled my eyes at him.

"Let's talk then." Binuksan niya ang pinto sa passenger's seat at humarap siya ulit sa akin. "Tell me something I don't know, Stephie."

Sinalubong ako ng amoy ng mint at chocolate sa loob ng black Lamborghini ni Jax. Tinted ang bintana nito at maaliwalas ang paligid ng kanyang kotse, may napansin pa akong iba pang mga libro ni Stephen King sa ibabaw ng glove compartment.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko bago ko sinarado ang pinto sa passenger's seat.

Binugaan muna ni Jax Alford ang hangin sa labas ng bintana ang vape na kanyang hinigupan. Lumabas ang makapal na puting usok mula sa bibig nito. "I'm tired of playing around with these fights and who has the better genre." He leaned back against his seat. "I decided the only way I could face through this bullshit is reading."

"Ano sinasabi mo? Ayaw mo na maging Anti?" Kumulong ang ingay ng radyo pagkasarado ni Jax Alford ng bintana at ang amoy na nagmumula sa kanyang vape habang hawak niya ito. Tinago niya ang vape sa loob ng glove compartment.

"I'm still against love and its existence that's why I'm an Anti. Ayoko lang sumama sa mga away at gulo ninyo. Nakakasawa na rin makipag-away sa inyo." Sumandal si Jax Alford sa headrest

"Mukhang ikaw lang yata nagsasawa dahil gusto pa nilang makipagpatayan sa mga brutal kong mga kaibigan." Pinagmasdan ko ang nagtiim na panga niya habang nakapikit at malalim na nag-iisip.

"Matutuwa ka ba na araw-araw lagi tayo nagbabanggayan?" Nilingon ni Jax ang kanyang ulo sa direksyon ko na nakamulat ang mata niya.

"Siyempre, hindi! Kayo lang naman nagpapasimuno ng away namin." Bumibilis ang tibok ng kanyang pusa sa pagkatitig sa kanya ni Jax Alford, ang mahahaba niyang pilik mata at ang hazel eyes nito na nakakabighani at nakakaakit.

Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon