Chapter 85

68 9 0
                                    

Chapter 85

Break The Rules


IRIS

Gumugulo pa rin sa isipan ko ang dapat niyang sasabihin. Kung hindi lang ako hinigit ng mga kaibigan ko, things would have been different, maybe I wouldn't know the right words to say, maybe my heart will drown me. I just don't know. Everything became a blur after that.

Nakaupo kami sa table ng Romance section sa cafeteria. Dito dumiretso ang mga estudyante pagkatapos ng play. Kakatapos ko lang kumain habang pinapakinggan ko silang apat na nag-uusap hanggang sa lumutang na naman ang isipan ko.

Natulala lang ako habang nirereplay ang naputol na mga salita ni Brent, trying to fill in the blanks, even when the answer seems to obvious, I just couldn't believe it.

Love. I've never heard Brent say that word without prejudice and hatred. The moment he said that word in front of me, it felt so sincere and serious, I was overwhelmed with the way he said it. I wanted to hear it again and again.

Napansin ko na tumahimik sila na ikinataka ko naman. Pagkatingala ko sa tinititigan nila, nakatayo ang limang Wattpad Boys sa harap ng table habang may dala silang tray.

"Anong ginagawa niyo dito?" Masungit na tanong ni Stephanie.

Tumigil ang apat at binaba ang hawak nilang utensils. Naghalukipkip silang apat sa humarap ng boys na nakatingin lang at tahimik sa harap namin. Ako lang ba itong naguguluhan sa kanila?

"Hindi kami pinaupo sa table namin. Nawala na raw ang 'privileges' namin mga lider." Kibit-balikat na sabi ni Miles. Tahimik lang ang kasama niya.

"Umupo kayo kung gusto niyo." Sabi ko sa kanila.

"Iris!" Niyugyog ako ng apat.

"What?" Kumunot ang noo ko sa kanilang reaksyon. "Just because they're sitting on our table doesn't mean anything."

"Salamat, Iris." Sabi ni Brent bago siya umupo.

Katapat namin nakaupo ang mga lider ng Wattpad Boys, previously known as the Antis. Tahimik silang kumakain habang pasulyap-sulyap sa amin. Tahimik lang kami habang pinagmamasdan sila sa harapan namin.

Ang awkward.

"Ano nga pala 'yong pinag-uusapan ninyo ni Iris?" Tanong ni Noelle kay Brent.

"Huh? Wala kaya." Pag-deny ko. Napansin kong yumuko si Brent.

I know it felt important but I just didn't want my friends to know how it made me feel, even if Brent didn't say anything, being there with him, alone, stir up my emotions.

"Nakita ko kayong dalawa nag-uusap sa sulok. Tungkol saan 'yon?" Pagpupumilit ni Noelle.

"Uhh..." Napaawang ang bibig ni Brent, trying to find an excuse. Noelle is persistent. She won't give up until she gets her answer.

"Tungkol sa Battle of Words. Nakahanap na ako ng paraan para mashutdown na 'yon." Sagot ko para kay Brent, papalit-palit ang tingin niya sa akin at sa mga kaibigan ko at tumango-tango na lang siya.

"Sigurado ba kayo na ito dapat ang gagawin natin? Wala na tayong iba pang paraan?" Paninigurado ko.

Ewan ko ba kung bakit ngayon pa ako magdududa sa plano namin. Hindi ako natutuwa at proud sa planong ito pero ito lang ang naisip namin na paraan para imulat ang kanilang mata.

Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon