Chapter 93

58 6 0
                                    

Theme Song: Make You Mine by PUBLIC

---

Chapter 93

Writer's Promenade


IRIS

"Kinakabahan ako!"

"Okay na ba ito? Maayos na ba ako tingnan?"

"Grabe, ang haggard ko na."

"Will this fit me?"

Nakatulala lang ako habang nakahiga sa kama ni Stephanie. Nakatingala sa kisame. Kumakabog ang puso sa sobrang kaba. Humihinga na lang ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Nandito kami sa loob ng kwarto niya, sa mansyon malapit sa school. Suot ko na ang gown para sa promenade namin. Hindi ko talaga napaghandaan ito kaya pinahiraman ako ni Stephanie. Nawala sa isip ko ang okasyon na ito dahil nagbabasa ako. And the irony? About sa prom ang binabasa ko.

Habang busy ang mga kaibigan ko na pagandahan lalo ang kanilang sarili kahit maganda na sila, binuksan ko ang akin Wattpad profile sa phone ko. Napangiti ako sa kwento ko. May natapos na rin akong isang story. Isa itong tagumpay. Kahit wala man nagbabasa, kahit hindi man ito perpekto, masaya pa rin ako dahil nakatapos ako ng akda.

Niyakap ko ang phone, ang story na ginawa ko, sa akin puso at ngumiti sa kawalan.

Tinago ko na ito sa Gucci handbag, and again, pinahiram sa akin ni Stephanie. Umupo ako nang tuwid para pagmasdan silang nagsisiksikan sa harap ng vanity. I hugged my knees kahit medyo magulo dahil nakaharang ang skirt ng gown.

May kanya-kanya silang style, kagandahan, hairstyle, make-up, at awra mula sa kanilang suot. Nagtulungan pa kaming mag-ayos ng buhok, maglagay ng kaunting make-up, at pagpili ng mga gowns at dresses. It took us more than an hour to decide what we all wanted to wear.

"Hindi naman ako mukhang bata sa hairpin ko?" Tanong ni Wren na may pag-aalala sa ekspresyon, trying to adjust the sunflower hairpin.

"Girl, you look amazing! Express your inner sunshine!" Pag-encourage ni Noelle. Napansin ko na mukhang nagkaayos na rin silang dalawa, Noelle still loves her and treats her like a sister.

May suot si Wren na off-shoulder yellow tulle ball gown. Her short hair is swayed to the side with a sunflower hairpin, exposing her alluring and dazzling face. Ang payat niya talaga. Pang modela ang pangangatawan. Shoulder blades, collar bone, and porcelain skin. Parang siya manika na nabuhay.

"O-Okay lang ba ito? Hindi naman makikita dibdib ko?" Nahihiyang tanong ni Daisy habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin na may pagkailang pa.

"Daisy, malaki 'yan. Wala ka na magagawa." Inayos ni Stephanie ang necklace ni Daisy. Nanlaki ang mata ko nang mahagilap ang kanyang chest. Damn. Nahiya ang mga pader.

"Eh?!" Namula ang mukha ni Daisy.

"Don't worry. You still look innocent but teasing. Ewan ko na lang kung hindi bumigay 'yan si Theodore sa'yo."

"EH?!"

Katulad din ni Daisy, mukha rin manika, mas lalong na emphasize ang kanyang innocent face. Kulot ang dulo ng golden locks of hair, pinkish ang labi. Daisy wore a pink formal ball gown with a see-through laced sleeves. Ang torso ay gawa sa pink daisy embriodery na v-neck.

"Ang tagal ko na hindi ito nasusuot. Buti nagkasya pa." Sabi ni Stephanie while smearing red lipstick on her lips.

"Ang sobrang ganda mo kaya Stephanie. Natitibo ako..." Daisy complimented.

Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon