Chapter 24
Seven Minutes
NOELLE
"Serioso ka, Chik?" Natatawang tanong ng kasama namin. "Sigurado ka 'yan ang game na lalaruin natin?"
Inikot na ni Chik ang bote hanggang sa nakakagawa ito ng afterimage na bilog sa gitna. Tumapat ang unang ikot kay Nicolas nang huminto ito. Kinilig ang mga babae at pinagtatapik naman ng mga boys ang balikat ni Nicolas.
Napansin kong napalunok si Nicolas, he's sitting across from me with his right leg up at nakasandal sa tuhod nito. May suot siyang black backwards cap, ripped jeans, at extra large gray shirt.
Ang laki ng pinagbago niya. Dati, mukhang totoy pa 'yan noong kabataan ko, ngayon ang sobrang gwapo niya na.
Sa lahat ng miyembro namin sa Wattpad Dance Crew, si Nicolas ang pinakasikat sa amin. May maipagmamalaking hitsura at gwapo talaga, makisig pa ang katawan, at mahusay sa kanyang larangan. Nakikisama siya sa mga lalaki sa kanilang tawanan at kwentuhan pero kadalasan napapansin ko na tahimik lang siya. Habulin ng mga babae sa bawat antas at madalas siyang kinakausap ng mga kasama kong babae.
Lapitin siya ng mga tao pero ako lang yata ang nakakakita ng katahimikan niya sa mundo.
"Wala nang atrasan, ah! Atin-atin lang 'to! Bawal kayo gumamit ng condom! Kung gusto niyong ituloy, siguraduhin niyo lang nakabihis na kayo bago umabot ng seven minutes!" Nagtawanan ang mga kasama ko sa sinabi ni Chik.
Nakaharap si Nicolas sa dumadaldal na si Chik, hindi ko na namalayan na nakatulala ako sa mukha niya hanggang sa nakita kong tumingala ang kanyang mata sa akin. Agad akong umiwas ng tingin at tumuon sa bote sa gitna.
Nag-aabang kaming lahat kung kanino mapupunta ang pangalawang ikot.
I rolled my eyes. I believe in what everyone call as Fate or Destiny. If they are destined to waste their seven minutes with Nicolas Hareth Ferrantino, then good for them. Basta huwag lang sa akin mapunta ang tadhana.
Inaasahan ko na lang na hindi tatapat sa akin ang bote sa buong oras ng laro namin. Bakit ba kasi ako pumayag?! Totoo nga na maraming gwapo sa club namin pero wala naman akong balak magpalitan ng laway sa kanila.
"Sino kaya ang suswertihin na babae ngayon na papaligayahin ni Nicolas?" Chik teased while smirking at the girls. Halos masuka ako sa kanila.
Umatras ang ibang mga lalaki at naiwan ang apat na babae sa loob ng bilog at kabilang na ako roon. Inikot ni Chik ang bote sa gitna namin at umatras siya. Pinanuod ko nang maigi ang bote.
Whoever the bottle points to someone is destined to kiss Nicolas.
Titig na titig ang mga babae sa bote, mas lalo na ako. Napabaling ako kay Nicolas na tinatakpan ang bibig nito gamit ng likod ng kamay niya, naka-angat ang isang paa nito at sinusundan ng tingin ang pag-ikot ng bote, umaalog ang binti niya sa nerbyos.
Nag-aalala pa siya, lahat naman ng mga kasama kong babae magaganda at sikat. Siya ang suswertihin, hindi sila.
Bumabagal ang pag-ikot nito, naging tahimik ang paligid at bumibigat lalo ang tensyon nang dahan-dahan tumapat ito sa katabi ko.
"Ako ang swerteng—" Naputol ang sasabihin niya nang natuon ang atensyon namin sa sigaw ni Nicolas.
"May gagamba!" Napabaling kaming lahat sa tinuro ni Nicolas sa likod namin. Tumili ang mga babae at agad na napaatras sa may kama. Sinilip ng ibang mga lalaki ang tinuro ni Nicolas.
BINABASA MO ANG
Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)
Подростковая литератураYou can tell a lot about a person by how their stories were written and made. *** Si Iris Euphony Peregrin ang isa sa mga Romance writers na nangangarap maging author sa Wattpad. Noong lumipat siya sa Wattpad Academy, nakilala niya ang Wattpad Girls...