Magkaiba man ang ating mga mundoAko'y nasa realidad, ika'y nasa libro
Handa akong magpuyat para lamang sa'yo
Dahil 'pag malungkot ako sa'yo ako tatakbo
Dahil sa'yo tumaas ang standards ko
Ang isang tulad mo ay walang katulad sa mundo ko
Nag-iisa ka, kailan kaya makakahanap ng kagaya mo?
Uy tinatanong kita, sagutin mo'ko!
Ini-imagine ko ang ako at ikaw
Na sana balang araw tayo'y magsasayaw
At sabay mangangarap sa ulap na bughaw
Magkakatiitigan, puso'y matutunaw
Kwento natin ay pwede palang malikha
Ambisyosa man para sa iba, hindi ko sadya
Kung ano man ang mangyayari, ako'y handa
Sa imahinasyon ko tayo ang itinakda