Hindi kita mumurahinPero hindi na din kita mamahalin
Hindi din kita ipapakulam
Kasi tanggap ko naman na hanggang dun nalang
Mas lalong hindi kita iiyakan
Kasi ire-reserve ko nalang yun sa burol mo.
Joke lang!Hindi na kita guguluhin
Kasi matagal ka nang magulo
Alam mo kung bakit?
Kasi paiba-iba ka ng gusto!
Oh, sige hindi na rin kita ii-stalkin
Pero pwede ba kitang sampalin???
Para naman matauhan ka na
At maalala mo na sobrang minahal kita.
Pero naghanap ka pa rin ng iba, hayop ka!
Dumating ka sa buhay ko bilang sakit ng ulo
Ang payapa kung buhay ay yung ginulo
Ang akala ko tayo hanggang dulo
Yun pala, panakip butas mo lang ako
Di ko nga pala makakalimutan ang ating mga ala-ala
Nakakamiss nga eh yung pagsabi mo sakin ng salitang 'mahal kita'
Siguro nga paraan lang to ng tadhana
Para mapunta tayo sa talagang satin nakatakda
Salamat sa sakit, saya, at mga ala-ala
Nagmahal tayo pero hindi naging sapat para sa isa't isa
Magmo-move on na'ko, magmo-move on ka na
Sabay nating tanggapin na wala na talaga.