Ikaw, ako pareho lang tayong tangaAko sa'yo, ikaw naman sa kanya
Tinitingan kita na nakatingin sa kanya
Nasasaktan ako pero kaya ko pa
Ako yung taong laging nand'yan para sa'yo
Isang lugar na mapupuntahan mo 'pag may bagyo
Ngunit kahit buong oras ma'y ibigay sa'yo
Bestfriend parin ako sa tingin mo
Bestfriend mo lang ako
Tagapahid ng luha, taga-protekta mo
Kapag nag-aaway kayo
Ako ang tagapayo mo
Isa kang panaginip sa'kin
Maganda pero may halong lungkot din
Sobra mong ganda sa aking paningin
Ninanais kong ikaw ay maging akin
Sobrang ganda mo
Pero anong silbi nito kung hindi naman ako
Sa maganda mong boses
Sinabing kaibigan lang ako
Gusto kong sabihin sa'yo na sobrang mahalaga ka
Na sa sobrang halaga mo, minahal kita
Na mahawakan ko lang ang iyong mga kamay
Ang puso ko'y mapupuno na ng kulay
Kung sana'y nararamdaman mo din ang nararamdaman ko
Siguro'y matagal nakong umamin sa'yo
Kapag kasi sinasabi ko ang ikaw at ako
Ang akala mo'y nagbibiro na naman ako
Kapag gumagawa ako ng paraan para kausapin ka
Ibang lalaki naman ang iyong nakikita
Sana'y hindi pa huli ang lahat
Pero natatakot ako kaya hanggang kaibigan nalang
Siguro kung hindi ka sobrang ganda at bait
Baka hindi ako nasiraan ng bait at naakit
Nanginginig ang tuhod, ikaw ang dahilan
Kung kasalanan ang mahalin ka , ikaw ang aking kulungan
Hindi maamin sa sarili ko
Nagulo ang lahat ng dahil sa'yo
Kung ikaw ay panaginip ko
Ilaw ay napakagandang panaginip
Pero bakit ang laging sinasabi mo
Sa huli, magkaibigan lang tayo
Ps. Simple lang naman ang kailangan mong gawin para hindi ka masaktan.
Iwasan ang magmahal ng taong ang turing sa'yo ay kaibigan lang.