WHO ARE YOU?

32 8 0
                                    


Naisipan kong isulat 'to after mag-play ng 'Who Am I' sa playlist ko.

Tatanungin kita, may Diyos ka ba sa buhay mo?

Kung oo, at ang pinaka-makapangyarihan sa lahat ito ay basahin mo 'to.

Gusto ko lang i-share sa inyo kung gaano ka buti si God.

Alam mo yung feeling na sobrang blessed ka hindi dahil marami kang pera, marami kang kaibigan, at sikat ka....pero dahil mahal na mahal ka ng Panginoon.

Ito yung nararamdaman ko ngayon.

Oo, makasalanan ako. Lahat naman siguro tayo!

Pero kahit na ganun feeling ko ay napakaswerte ko dahil sobrang buti ng Panginoon.

Na kahit na gan'to lang ako...

Ay minahal ako ng natatanging Diyos Ama. Yun ang tanging nagpapa-kontento at nagpapasaya sa puso ko.

Naalala ko pa yung mga panahon na umiiyak ako dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin. Basta sobrang nasasaktan ako nun kasi feeling ko pinagkaisahan ako ng lahat, na wala akong kakampi at walang nagmamahal sa akin.

Nung time na yun hindi ko naisip na may kakampi pa pala ako at may nagmamahal pa sakin. Ewan ko ba, ang hirap para sa'kin ang mahalin ang sarili ko. Feeling ko nun wala akong kwenta, wala akong maipagmamalaki, walang maganda sa akin.

Pero mali ako cause I still have him, the man above. God

'I was found before I was lost'
Lyrics yan ng kantang 'As you find me' at sobrang nakakarelate ako diyan.

'Kasi di ba nakilala ko si God bago ako nawala sa kanya'

Pero alam ko na matatagpuan ulit ako ng ating Panginoon.

Hindi ko maipaliwanag yung feeling na purihin at sambahin ang ating Panginoon. Sobrang priceless sa feeling na ibigay sa kanya ang lahat lahat. Sobrang gaan sa feeling na mahalin siya at unahin bago ang iba. Hindi mo mararamdaman na mag-isa ka, feeling mo ay kaya mo lahat.

'Si God kahit na hindi ko man siya nakita ay sobrang minahal ko naman siya'
Okay lang na mawala lahat wag lang siya sa buhay ko. Siguro hindi ko naman kayo kilala eh, kayong nagbabasa neto.

Pero kung wala ka pa sa Panginoon, do something para makilala mo siya.

Hindi ko naman kayo pinipilit pero I just want you to know that God is waiting for you! Sana ay palambutin mo ang puso mo at magpray ka sa kanya. Sabihin mo lahat ng nilalaman ng puso mo. Pakikinggan ka niya wag kang mag-alala. Siguro yung iba ay gagawing biro lang si God na hindi siya totoo dahil hindi natin siya nakikita pero I tell you 'God will show you greatness that you've never seen in your life'.

Alam mo yung feeling na sa sobrang great ni God ay maiiyak ka nalang kasi parang hindi mo siya deserve.

'my heart will sing, 'How great is our God'

'Mahal na mahal kita Lord, at hindi ako mahihiyang isigaw yun sa buong mundo'

In Jesus name I declare I will fullfill my purpose here in Earth, I will make you proud!

Cause..

I am for your use only.

I belong to you.

I am yours.

Sa'yo lang ako Panginoon, iaalay ko ang buhay ko para sa'yo.

Thank you for loving me unconditionally God, thank you for all the battles that you intended for me to be deserving for you. I know here in my heart that you do everything for purpose.

Thank you and i love you so much!

Forever and Always:)

I am yours!

Binibining MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon