MY FICTIONAL BOYFIE

246 17 0
                                    


Magkaiba man ang ating mga mundo

Ako'y nasa realidad, ika'y nasa libro

Handa akong magpuyat para lamang sa'yo

Dahil 'pag malungkot ako sa'yo ako tatakbo




Dahil sa'yo tumaas ang standards ko

Ang isang tulad mo ay walang katulad sa mundo ko

Nag-iisa ka, kailan kaya makakahanap ng kagaya mo?

Uy tinatanong kita, sagutin mo'ko!




Ini-imagine ko ang ako at ikaw

Na sana balang araw tayo'y magsasayaw

At sabay mangangarap sa ulap na bughaw

Magkakatiitigan, puso'y matutunaw




Kwento natin ay pwede palang malikha

Ambisyosa man para sa iba, hindi ko sadya

Kung ano man ang mangyayari, ako'y handa

Sa imahinasyon ko tayo ang itinakda





Binibining MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon