Ang sabi ko noon magiging masaya din ako
May mga pagkakataon na nakasanayan ko na palang maging malungkot
Kaya ay hindi ko na hiniling na maging masaya pa ako
Pero pagkatapos ng ulan ay natuto akong ngumiti
Bumangon ako mula sa putikan at sa gapos ng kalungkutan na nakakubli
Dalawang taon akong nawala at ngayon ay magbabalik
Parang kahapon lang ang masasayang pangyayari sa buhay ko dahil ginusto kong kalimutan ang mapapait
Ngayon ay nakahanda na akong tumanggap ng katotohanan at mabuhay muli
Hindi ko inakalang sa pagdating ng araw ay makikita ko ang sarili ko na muling ngingiti
Alam ko sa sarili ko noon ang sagot sa lahat ng bakit
Pero dahil nakatuon ang pansin ko sa pangit na kaganapan sa buhay ay hindi ko na ito nabigyan ng pansin.
Nagbingi-bingihan, nagbulag-bulagan ako at tuluyan ng namanhid
Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na hahayaan pa na baguhin ako ng mundo
Lahat ng masasakit na ala-ala ay mananatili nalang aral sa akin
At kahit na marami pang pagsubok na dumating
Ay hindi na ulit ako magpapatalo pa
Sa buhay kung saan ay dapat makipaglaro ka ay sa puntong ito ay hindi na ako susuko para sa panalo
Pangako yan, hinding hindi na ulit ako magiging mahina at madaling panghinaan ng loob
Sana kung dumating man ang pagsubok sa buhay ng bawat isa sa atin ay harapin natin ito ng lakas ng loob
Huwag tayong hihinto sa laban dahil hindi natin alam ang bukas na dadating
Yun lang at sana maging matatag tayo lagi