LOVE YOURSELF

53 7 0
                                    


Ikaw!

Oo, Ikaw na nagbabasa neto.

Gaano mo kakilala ang sarili mo?

Kaya mo bang ipakita sa lahat kung ano ka?

Madali ka bang naapektuhan ng sinasabi ng iba sa'yo?

Ekis yan!

Ibig-sabihin lang kapag nasasaktan ka sa mga sinasabi ng iba sa'yo ay totoo ito.

Dahil hindi mo gaanong kilala ang sarili mo kaya ay kung ano ang sinasabi ng iba tungkol sa'yo ay madali para sa'yo ang paniwalaan ito imbes na ipakita mo na mali sila.

Pero paano nga ba natin maiiwasan na hindi maapektuhan sa mga mapanghusgang tao?

Simple lang, kilalanin mo muna ang sarili mo. Yun ang pinakaunang dapat mong gawin dahil paano mo mapapatunayan na mali sila kung ikaw mismo ay hindi kilala ang sarili mo?

Sana ay nage-gets mo naman ang point ko noh?

Alam mo kasi sa buhay talagang hindi mo maiiwasang makasama ang mga tao na magiging dahilan para bumaba ang kompyansa mo sa iyong sarili pero ang mahalaga dun ay kahit na sino pa man yan sila. Kahit na sarili mo pang pamilya, kahit na pinakamatalik mo pang kaibigan ay huwag mong hayaan na baguhin ka nila.

Kaya nga diba, kilalanin mo muna ang sarili mo, wag kang gumaya sa kahit na sino dahil lahat tayo ay magkakaiba. Magkakaiba nga tayo ang itsura eh kaya isipin mo nalang na iba ang purpose mo sa purpose nila.

Tsaka alam mo ba yung quotes na english na sinasabi na huwag kang kumopya sa iba dahil sa buhay ay magkakaiba tayo ng test paper. Totoo naman talaga yun, magkakaiba talaga tayo ng pinagdaanan sa buhay kaya hindi mo masisisi ang iba kung ba't ganun sila at bakit ikaw ganyan lang? Syempre nasa sa atin parin yun, sa mga decisions natin sa buhay kung ano tayo sa future.

Basta fren, lawakan mo lang ang isip mo dahil pag naka focus ka lang sa isang bagay lalo na sa negative ay nakoo! Dun magsisimula ang pagiging negative mo at magdudulot pa ito na negativity sa buhay mo. Para kasing apoy yung negativity eh, once na kumapit ka dun ay kakalat na ito sa buong sistema mo at sa buhay mo.

Minsan dadating tayo sa point na tatanungin natin kung sino ba talaga tayo at anong purpose natin sa buhay....minsan ay gusto nalang nating sumuko sa buhay kasi feeling natin ay walang nagmamahal sa'tin.

Pero alam mo ba ekis ulit yun, kaya ka siguro nasasaktan ay dahil nakadepende ang kasiyahan mo sa iba. Wag ganun besh! Wag mong saktan ang sarili mo! Wag kang dedepende sa ibang tao dahil tandaan mo, walang permanente sa mundo.

Ang gawin mo ay....isipin mong mabuti ang mga bagay bagay...at kapag minaliit ka ng iba ay wag na wag kang maniniwala sa kanila, wag mo silang hayaan na isiping mahina ka!

May isa pa akong quote na ibabahagi sa inyo, ito ay 'Life is not about finding yourself, it's about creating yourself'. Basta something like that, correct me if I'm wrong. Nung mabasa ko talaga yun parang dun ko narealize na dapat pala ay hindi ko na hanapin yung sarili ko kasi sa totoo lang, inisip ko na gusto kong mabalik yung dating ako ganun pero mali pala yun. Isa yung malaking ekis! Kasi oo nga okay nga yung dating ako pero hindi ako dapat makontento dun kasi kaya ko pang mas i-improve ang sarili ko. Kaya ko pang baguhin at ibahin kung ano ako in a positive way ah! Na maging better person, the better version of myself ganern!

Basta ganun lang always look on the positive side and if others bring you down, don't help them. Wag mo silang tulungan na ibaba ang sarili mo, wag kang pumayag at lalong lalo na wag mo ding maliitin at tingnan ang sarili mo ng kung paano ka nila tingnan.

Pre, love yourself tsaka wag mo munang isiping magmahal ng iba kung hindi mo pa natututunang mahalin ang sarili mo!

Bago mo kilalanin ang ibang tao ay sarili mo muna!

Don't ever let people who don't deserve you take your sweetness and destroy who you are. Even if you may not know it but you are so much more than what you think and you are better than the standards you set for yourself. Even though minsan ay malungkot ang buhay but in the end, it will be worth it. Just believe!

Dapat ay may peace of mind ka, dapat malinaw sa'yo yung kahinaan mo, dapat tanggap mo kung saan ka magaling at kung sa'n ka mahina.

Kaya bago mo isipin ang sasabihin ng iba ay isipin mo muna kung masaya ka ba, kung kilala mo pa ba ang sarili mo. At saka dun ka magfocus, wag sa mga sinasabi nila sayo.

Alam mo bang blessed ka?

Oo, minsan hindi na natin maiisip yun eh kasi parang araw araw naman tayong gumigising, nakakakain, nakakalanghap ng hangin pero yung mga maliliit na bagay na yun ang dahilan kung bakit may purpose ka pa.

Alam mo minsan hindi man natin maintindihan ang mundo, hindi na yun mahalaga....

Ang mahalaga alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawang masama, wala kang nasasaktang tao, na naging totoo ka sa sarili mo, at ginawa mo kung ano ang purpose mo sa mundong ito ng hindi iniisip ang sasabihin ng iba sa'yo.

Sana ay naintindihan mo at may natutunan ka pagkatapos mong mabasa ito.

Smile na:)

Ayan, ang ganda/gwapo mo na lalo.

Spread positivity always

And love yourself

-Kymfern

Binibining MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon