Bakit nga ba ako nagsusulat?Actually marami akong naiisip na kwento
Marami pero hindi ko pa nagagawang ng buo
Nagsimula akomg magsulat noong high school pa lang ako
Pero sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ko matapos tapos
At ngayon na nagkaroon na ako ng oras para magsulat
Ay hindi ko naman magawang gumawa ng kwento sa paraan na gusto ko
Pero paano nga ba ako nakakalikha ng kwento?
Sadyang imahinasyon lang talaga ang naging puhunan ko.
May mga napublish naman akong kwento dito sa wattpad
Kaya lang pag nawalan ako ng gana ay ia-un-publish ko yun agad
Amg weird ko noh?
Siguro sa takdang panahon ay magagawa ko ring gawin ang gusto ko
Ang dami naman kasi kaya nahahati ang oras ko
Pagsasayaw, pagiging fangirl, at pagsusulat ng drafts sa wattpad
Ngayon bakit nga ba ako nagsusulat??
Eh kasi kapag may naiisip akong kwento ay bago mawala yun sa isip ko ay isinusulat ko na yun sa drafts ko
Gagawan ko ng cover at saka ng plot bago ko I publish at bago makita ng lahat
Tapos ay dun ko lang nagagawang gawing totoo ang imahinasyon ko
Sapat na sakin na makwento ang mga gusto kong mabasa sa libro
Kung may pagkakataon lang talaga at makagawa ulit ako ng storya
Sana ay magawa ko na iyong tapusin
Para naman ma-apply ko ang advice ng paborito kong author na si witcheverwriter
Ang sabi niya kasi isulat ko lang daw ang mga gusto kong mabasa
Hindi ko yun makakalimutan lalo na't galing sa kanya
At ngayon kapag may sumagi na naman sa isip ko na kung anong tema ng kwento na isusulat ko
Ay yun na ang magiging dahilan kung ba't ako nagsusulat
Yun ay dahil gusto ko ang ginagawa ko
Hindi dahil gusto kong sumikat pero dahil masaya ako sa ginagawa ko
Ikaw?
Bakit ka nagsusulat?